CHAPTER 50

3.6K 82 4
                                    

#Sorry...

Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Leo kanina, pinipilit kong kalimotan ang katagang iyon pero hindi parin sapat ang ginawa kong pag iwas para hindi ko na maisip pa iyon ..

" We'll talk about us.. hindi pa tayo tapos Jessa .. Hindi pa ako tapos sayo "

Pabalik balik iyon sa isip ko , mas nilakasan ko ang shower at tinapat ko ang katawan ko doon..

Ano ba ang ibig nyang sabihin ? Babalikan nya ako ? Pag uusapan namin ang lahat ? Sinasabi nyang hindi pa sya tapos sa akin, at hindi pa kami tapos .. nagugulohan ako , ano ang ibig nyang sabihin ? Ayoko namang mag assume na babalikan nya ako, na mahal nya parin ako .. kahit gusto ko namang mangyare iyon hindi ko parin kayang marinig kung ano man ang ipapaliwanag nya sa akin sa nangyare noon sa kanila ni Kayline..

Pagkatapos kong mag shower agad akong nagbihis ng pangtulog ko. Kinuha ko ang cellphone na nasa table malapit sa couch ko at lumabas sa kwarto , nasa kabilang kwarto lang si Leonel at pumasok ako doon .. nadatnan kong pinapatulog sya ni Lesly ..

" maam , tulog na po si baby "

Mahinang wika ni Lesly, ngumiti ako at tumango saka lang lumapit sa crib ng anak ko ..

Hindi ko alam pero naluluha ako habang nakatitig sa maamong mukha ni Leonel, lagi kong na aalala si Leodemar sa kanya.. hawig na hawig talaga sila , mula sa napaka kapal nitong kilay, mga mata na may mahahabang pilik mata.. ang matangos nitong ilong at manipis na mga labi .. sigoradong lalaki syang parehong pareho sa ama nya , may matapang at makisig na katawan .. pero sana lang, hindi nito na mana ang pagiging babaero ni Leo ..

" maam okay lang po ba kayo ? "

Halus pa bulong na tanong ni Lesly sa akin, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa pisngi at nakita iyon ni Lesly..

Napatingin ako kay Lesly at nag aalala itong nakatingin din sa akin, umiling ako at tinuyo ang luha sa pisngi ko .

" okay lang ako Lesly, masaya lang ako dahil lumalaki na si Leonel .. "

Ngumiti sya sa akin.

" oo nga po , at ang gwapo po ng baby nyo maam "

Ngumiti ako at tumango..

" nagmana ang kagwapohan nya sa kanyang ama .. "

Mahinang wika ko ..at ngumiti lang si Lesly sa akin ..

Nag lean down ako at hinalikan ang noo ng anak ko pagkatapos ay biglang nag vibrate ang cellphone ko, tumayo ako at tiningnan ang screen ng phone ko ..

Unknown number ?

Agad akong lumabas sa kwarto ng anak ko at sinagot ang tawag .. sino namang tatawag pa sa dyes oras ng gabi? ..

" hello ? "

Tahimik ang nasa kabilang linya kaya nagsalita akong muli ..

" hello ? Sino to ? "

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng malalim na buntong hininga sa kabilang linya ..

" its me ,Jessa .. "

Napakurap ako at nanlamig sa narinig kong boses sa.kabilang linya ..

" a-anong kailangan mo ? Where did you get my number Leo ? .. "

Utal kong sabi ...

" sa akin nalang iyon Jessa , hindi na importante iyon .. mag usap tayo ngayon din "

Nagsalubong ang kilay ko, sa ganitong oras ? .. seryoso ba sya ? ..

" nahihibang ka na ata .. gabing gabi na Leo at matutulog na ako "

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon