Chapter 1 PBB Teens...

65 3 0
                                    

Nagsimula sa simpleng lecture...
NOong una imbiyerna talaga ako sa kanya dahil sa mga paulit- ulit nyang mga salita. "Kapag inano nyo na yung ano, maaano nyo na yan." Oh di ba kahit sinong makikinig maiinis at malamang sinabi pa sa sarili o sa katabi na "wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi niya." Purona lang ano ang lumalabas sa bibig niya. Tuloy nagkaroon ako ng ideya na tarahan kung ilang "ano" ang naririnig ko sa kanya.
Naging tampulan pa siya ng katatawanan dahil talaga namang kahit anong pilit niyang magpatawa corny pa rin ang mga jokes niya. In short hindi mabenta.
Natatandaan ko pang panay ang sabi ko kakaantok naman ng speaker na ito. Kakatamad. Kung pwede nga lang na mag- walk out na eh di sana'y ginawa ko na.
Kaya lang no choice talaga kundi ang pagtiyagaang pakinggan ang mga sinsabi niya.
Natapos din naman namin ang pakikinig.
Nakalimutan ko na sana ang pagkakataong iyon subalit muli ay nagbiro ang tadhana. Nagkaroon na naman ng training workshop at kailangang umattend kami.
Ang siste siya na naman ang speaker sa isang category. Ayaw na naming makinig sa kanya pero kagaya ng dati kailangan. Walang nagawa ang lahat kundi labanan ang antok ng mga oras na iyon.
Dahil nga inaantok, naghanap ako ng pwedeng magpawala sa antok na nararamdaman. Napatingin ako sa mukha niya. Di naman siya kagwapuhan pero maaaninag mo sa kanya ang pagka- masculine niya. Matangos ang ilong. Makinis at malinis tignan kahit medyo maitim. Manipis ang mga labi na lalong nagpadagdag sa masculinity niya. Kulot ang buhok, at macho din naman. Matangkad at mahilig siya sa kulay pula. Napagtanto ko na sa tuwing makikita ko siya ay kulay pulang poloshirt ang suot niya.
Sa Di sinasadyang pagkakataon biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. May kakaiba akong naramdaman. Bigla tuloy ako na- conscious nang maptingin siya sa akin. At sa madaling sabi nagtama ang aming mga paningin. Ewan pero talagang kakaiba ang naramdaman ko ng araw na iyon. Hanggang sa matapos ang pagle- lecture niya ng araw na iyon at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na humahanga na sa kanya.
Napaisip ako. Sinabi ko sa sarili ko, ano ka nagdadalaga? Tumigil ka nga.
Mula noong matapos ang training na iyon bigla din nakalimutan ko ang pangyayaring iyon. Marahil sa dami na rin ng trabaho kaya ayun itsapuwera muna ang feelings na yun ng feelingera nyong lola.
Lumipas pa ang mga araw, may dumating na memorandum at kailangan na namang magtraining ng mga campus journalists na nakalusot sa RSPC upang mapaghandaan ang NSPC. Hindi ko alam na isa siya sa mga trainors kaya ng malaman ko sa orientation na kasama siya sa mga tagapagsanay bigla nanumbalik ang matagal na sanang natabunang estrangherong damdamin.
First day ng training siya ang speaker. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko dahil makikita ko na naman siya. Matagal ko ring hinintay ang bawat sandali. Inip na inip ako sa pagdating niya. Gusto ko nang hilahin ang oras. At hehe sa wakas sumapit din ang pinakahihintay kong moment. Dumating si Mr. Kayumanggi.
Ewan ko ba. Naghintay ako nang matagal pero hindi ko malaman naman kung ano ang gagawin nung makita ko na siya. At hindi ko rin mapigilan ang pagngiti. Binati ko siya at talaga namang halos lumundag si heart sa kanyang kinalalagyan. Nagpupumiglas na hindi ko maintindihan. Mula umaga hanggang hapon talagangq binantayan ko siya. Kasi nauna na rin niyang sinabi na aalis din siya nung araw na iyon at babalik na lamang siya ng araw ng Huwebes. Tinitingnan ko siya kapag hindi siya nakatingin at bigla ko namang ibabaling sa iba ang mga mata ko kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Hay buhay talo ko pa ang isang teenager na kilig na kilig kapag nakikita ang crush. Natapos ang maghapong iyon sa mga ganoong eksena.
Dalawang araw rin ang hinintay ko para muli ko siyang makita. At in fairness hindi ko aaksayahin ang bawat sandali ng oras na itatagal niya sa venue kahit pa hanggang tingin na lang ako sa kanya. Maghapon ko siyang tinitigan. Nilalagay sa utak ang bawat mga detalye ng mukha niya. Ag mga pagkumpas- kumpas ng kamay niya habang nagsasalita. Ang pagtawa niya sa mga sariling jokes niya ( na kalaunan ay nabenta na rin sa akin at nakikitawa ako sa tuwing matatawa siya sa mga patawa niya na hindi naman magets ng iba pang nakikinig) para bagang ngayon ay like na like ko na ang kakornihan niya. Matapos ang training kumain kami at nagkasalubong kami sa may hagdan. Palibhasa malamig ang klima siyempre ginaw na ginaw din ako. At hindi ka maniniwala nung magkasalubong kami? Umakto siyang giniginaw at nakangiti siya sa akin at ako naman si kilig much!!!
Oh My God!!! Nasa table kmi at handa na sa pagkain. May isang pamilyar na bulto ang papalapit at usual nakapula na naman siya. Nagririgodon na naman ang puso ko habang papalapit siya sa table namin. At di pa nakuntento umupo pa siya kung saan kmi nakapuwesto. Na-conscious na naman ang beauty ko dahil umupo siya paharap sa akin hindi tuloy ako makakain ng ayos. Habang nagkukuwento siya tungkol sa trabaho niya hindi ko mapigilan na lalong madagdagan ang paghanga ko sa kanya. Andami nya nang ginagawa! Superb! Buti na lang hindi siya natuloy na maging direktor kung hindi di hindi ko sana siya nakilala.
Halos 30 minuto din siyang nag- stay at hindi ako umalis sa table na iyon hanggang di siya umaalis. Nakapagbato rin naman ako ng mga dialogues at diyos ko po! Nakakalusaw ang mga tingin at ngiti niya kapag napapagawi sa akin.
Oh diba teenager lang ang peg?
Matapos siyang kumain tumayo na siya at nagpaalam dahil kailangan niya nang magpunta sa assigned room para sa kanyang lecture.
Ako naman siyempre, sasamantalahin ko na ang oportunidad na makita siya sa huling araw ng training. Sumunod ako sa venue at nakinig sa kanyang mga tips.
Nagkaroon ng one on one conversation for nspc qualifiers kasama ang mga advisers and then pagkatapos nagkalabas loob na ako para magpakuha ng picture kasama siya kaya lang hindi masyadong tagumpay dahil malabo. Nakakainis! hindi maayos ang pagkuha, against the light kasi. Anyway, ok na rin dahil nagkaroon na ako ng picture with him.
Ibinigay niya ang kanyang cellphone number and gmail ad. Siya na rin ang nag- close ng training at kinamayan nyanang lahat. Yun nga lang malas ako. Kasalanan ko din naman di ako tumayo para makipag-shake hands.
Natapos na ang training at alam kong malulungkot ako dahil hindi ko na ulit siya makikita. Siguro mga ilang buwan din ang itatagal. At wish ko lang siya pa rin sana ang maging lecturer .
Nagtext ako sa kanya ng isang malaking thank you at nagreply naman siya ng God Bless sa inyo na may smileys pa. Ehem!

PBB Teens...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon