Third Person Point of view.
Unting unti minulat ni alexa ang mata niya. Halata sa muka ni Nathan at JC na sobrang saya. Syempre si Alexandra Gising na.
"S..si..sino kayo?" Tanong ni alexa. Nawala ang mga ngiti sa labi ng dalwang binata.
"Hindi mo ba kami nakikilala alexa?" Tanong ni nathan.
"Magtatanong bako kung kilala ko kayo? Sino ba kayo? At sino si alexa?" Nagkandaletse letse na. Kahit talaga nawalan ng alaala si alexa may taglay padin na kapilosopa nito.
"Ikaw si alexa! Ako si Nathan at ito si JC" sabi ni nathan. Hindi padin siya sumusuko ang nasaisip niya lang ay baka nang gogood time lang si alexa
"Baliw ka ba? Sino ba kayo?" Paulit na tanong ni alexa. Napikon naman bigla si JC kay alexa.
Grabi tong babaeng to. Ang taray na kahit nawalan ng ala ala sabi ni JC sa isip niya.
"Asan bako? Bat ako nandito?! Sumagot nga kayo!" Lalong napikon si JC at si Nathan naman ay halatang nahihirapan na kung pano mageexplain.
"Nathan tawagan mo ang doctor ako ng bahala" sabi ni JC. Tumayo nalang si nathan at lumabas na.
"Anong tinitingin mo dyan?! Sino ka!" Galit na sabi ni alexa
"Malag ka ba? Diba pinakilala nako ni Nathan? Tanga kalang?" nabigla naman si alexa sa sinabi ni JC.
"WAG MOKO TINATANGA! NI HINDI NGA KITA KILALA! ASAN BA ANG KAPATID KO?! ILABAS NIYO SI ETHAN!" Halos magwala na si Alexa at tiningnan lang siya ni JC ng walang emosyon.
"TSAKA SINO SI ALEXA?! AKO SI RIA! ASAN ANG KAPATID KO? KUYAAA!" Nagsisigaw na si Alexa na parang nababaliw.
Bigla nalang pumasok si Nathan at ang mga nurse at doctor.
Lumapit sila kay alexa at may tinurok. At ang nagwawalang si alexa ay nakatulog na. Muka siyang anghel pag tulog at pinagmasdan lang siya ni JC
"Anong nagyari sakanya?" Tanong ni Nathan kay JC sasagot sana si JC ngunit nagsalita ang doctor.
"Sa tingin ko nawalan siya ng alaala."
"May naalala siya" sabi ni JC. Nagulat naman si Nath.
"May naalala talga siya? Kilala na ba tayo?" -Nathan
"Hindi. Kilala niya ang kapatid daw niyang si Ethan at siya daw si ria." -JC.
"HMMM. Siguro ang naalala lang niya ay yung panahong bata pa siya. Imomonitor din namin siya" sabi ng doctor at lumabas na.
JC Point of View.
"Hindi maaari" napalingon ako kay nathan.
"Problema mo tol?" Luko din to. Anong pinagsasabi niya.
"Kailangan natin hanapin si Juanito. Pwede bang ikaw muna magbantay sakanya at hahanapin ko lang si Juan?" Tumango nalang ako. May choice ba ko? Alangan naman ako pa maghanap kay Juan. Pahirap pa sa buhay ko.
"Salamat" tumango nalang ako. At umalis nadin siya.
"Hay nako Alexandra! Umayos ka na. Malapit nakong ikasal baka di moko maabutan." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalkan ito
"Mahal na mahal padin kita" Huling sabi ko bago ako tumungo at natulog.
nagising nalang ako ng gumalaw ang kama. Napatunghay naman ako at kita ko din nakatingin sakin si alexa na walang emosyon
"Bat andito ka pa?" Sabi niya sakin. Aba antaray talaga.
"Care mo ba?"
"Bakla ka ba?"
BINABASA MO ANG
Fatty Love
Novela JuvenilAng Sabi nila masaya daw kapag may kaibigan. Ang sabi nila masaya daw kapag may boyfriend. Pero Sakin mas masaya kapag nakain.