Invitation
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung nakita ko ang hinayupak kong ex. Should I turn back and go away? Or should I act na parang walang nangyari?
Ewan! Buwiset sila! Ngiti-ngiti pa yung kasama nya habang kumukuha ng free taste ng bagong brand ng meat loaf na kanina lang ay inalok din sa akin ng isang sales lady which is tinanggihan ko. Like duuuuh! Kaya kong bumili nun no! And I prefer spam. Mas masarap at malinamnam. Juicy pa! Hihihi.
Walang hiya talaga ‘to oh! Ang kapal ng mukha! Tuwang-tuwa sa free taste? Grabe, ngayon lang ba sya nakatikim ng meat loaf? Ginugutom ba sya ni Kristoffe? Tsk. Mabuti na lang pala at nagkahiwalay kami dahil kung hindi baka magutom ako at ang magiging anak namin! Oh my God! I can’t imagine that!
Leche! Bakit ba kasi ang tagal iprepare nitong lalaking ‘to yung baboy na kailangan ko?
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na papunta sila kung nasaan ako. I guess I can’t avoid them. Ano kayang pwedeng gawin? Hmm.
Ngayon hinihiling ko na sana matagalan pa ng kaunti ang paghahanda sa baboy ko.
“Heart?” Boses ni Kristoffe ang una kong narinig. Nakangiting aso pa sya. I wore my very bright and playful smile bago sila hinarap.
“Oh! Hi Kristoffe!” Bati ko sa kanya pabalik. I kissed him on his cheek at naramdaman kong nabigla sya sa ginawa ko.
Aba? Sinong hindi mabibigla doon? Ang ex mo ay nakipag-beso sa’yo sa harap ng kanyang soon-to-be-wife. Kung ako yun kakabahan na ako. Sabi nila malapit sa tukso at sa disgrasya ang mga magkasintahang malapit ng ikasal. Yuck!
“What a small world!” dugtong ko sa pagbati ko sa kanya mas nilaparan ko ang pagngiti ko at hindi ko pinansin yung haliparot na kasama nya.
“Yea, What are you doing here?” Tanong nya.
OW. EM. GI. As in Oh My God! Anong nangyari sa kanya? Nag-break lang kami eh naging bobo na sya? Gosh! I can’t take this! Tumawa muna ako at hinampas sya sa braso.
“Ano ka ba! Obviously? Nag-gogrocery! Hahaha.” Tumawa pa ako at sandaling sinulyapan yung babaing kasama nya. Nakangiti pa.
“Oh? I’m sorry, you’re with someone pala. I didn’t notice.” Pabiro kong sabi.
“Uh. Kristoffe would you mind if you’ll intoduce her to me?” Dugtong ko.
“Oh, Sorry. Ahm. Heart this is Amethyst Black and Amethyst this is Heart Perez.” Masaya nyang inilahad ang kamay nya.
She’s smiling from ear to ear. Nakakairita yung pagngiti nya, parang ang plastic! Pero syempre I need to act like an angel. Amethyst Black their face! Hindi pa nga sila kasal Black na agad ang apelyido. Gusto na talagang magpatali agad.
“Pleased to meet you Anesty.” Nakangiti kong bati at tinanggap ko ang kamay nya. Sinadya kong maliin yung banggit sa pangalan nya dahil naiinis ako sa kanya.
“Ugh, It’s Amethyst. Yung stone. Sabi kasi ni Mommy nung pinanganak ako yung bato daw na Amethyst yung sikat at maswerte daw yun.” Sabi nya ng sobrang sigla.
Okay? Ayoko mang malaman yung history ng pangalan nya ay wala na akong magagawa dahil naikwento na nya. Tanging ‘aaah’ lang ang naitugon ko sa kwento nya. As if namang interested ako sa istorya ng buhay nya no!
“Anyway, ikaw pala si Heart? Perez right? Lagi ka kasing naikukuwento sa akin ni Toffee. ” Nanliit ang mata ko sa mga sinabi nya.
Ikinukuwento ako ni Kistoffe sa babaeng ‘to? Seriously? At ano naman ang mga ikinukwento nya tungkol sa akin? I’m sure sinisiraan nya ako sa babaitang ‘to! Leche talaga! Magsama silang dalawa! Aba? Nakuha pa nya talaga akong ikuwento ha? Atsaka ano daw? Toffee? May endearment pa sila ah. Parang yung tagpipisong chocolate lang. Choeey Toffee. I laughed in my head.
BINABASA MO ANG
Fifty Shapes of Grapes
HumorFifty Shapes of Grapes? A story that will make you up, side, down. A crazy love that was left behind. WARNING: BLUE + YELLOW = GREENminded XD