Act Seven

42 6 5
                                    

Floral Dress

"What will you do now? What's your plan Heart?" Tanong sa akin ni Hexa. Balik na naman yung tawag nya sa akin sa pangalan ko lang.

"Wala naman akong dapat na gawin. He's getting married. Ang dapat ko na lang gawin ay mag-move on." Tinaasan ako ng kilay ni Moon. Napabuntunghininga ako.

"Move-on? Kailan ka naman kaya makakapag-move on friend." Ani Moon.

"Ang dapat na tanong ay kung makakapag-move on ba Moon, hindi kalian." Pagtataray ni Hexa. Naku baka mag-away na naman 'to.

"Oo nga friend. Kaya mo ba?" Tumangu-tango pa si Hexa Aba, first time silang nagkasundo ah.

"Mahirap friend, pero kakayanin." Napabuntunghininga ulit ako. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang beses na ito eh. Inayos ko ang sarili ko para umalis.

"Saan ka naman pupunta?" tanong sa akin ni Moon. Isinuot ko ang nerd glasses ko.

"Balik ka na naman dyan sa salamin mong may makapal na lens." Sabi ni Hexa inikot nya ang buhok nya para madepina ang natural na kulot nyang buhok.

"Hindi ka pa din ba marunong maglagay ng contact lens?" Hinalungkat ni Moon ang drawer ko kung saan nakalagay ang binili naming contact lens noon.

"Ano ba? Mamaya na. Lalabas ako, bibili ako ng floral na dress. Pupunta ako dun sa party. Sama kayo?" sabi ko habang sinusuot ang converse ko.

"Seriously Heart? Jeans and Black t-shirt?" Sabi ni Hexa sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"And converse." Dugtong pa ni Moon.

"Bakit? Illegal na na ngayon ang suot ko?" tanong ko. Itong dalawang 'to tingin pa lang nila sa akin nakakapanglait na eh. Inirapan lang nila ako.

"Hexa samahan mo nga 'yang ate mo sa pagbili. Baka mamaya kung ano pang style ang mabili nyan at magmukha pang-80's ang suot nyan sa party mamaya. Wala pa naming sense of fashion yan."

"Oh san ka? Di mo kami sasamahan?"

"Uuwi lang ako para magprepare at masamahan sya total pareho naman kaming invited."

"Gusto ko sanang sumama kaya lang may date kami ni Dave." Humagikhik sya.

"Sino na naman yun Hexa?" tanong ko sa kanya. Everyweek na lang kasi syang may diinidate.

"Si Dave Heart, yung recent ex ni Cloud." Narinig kong sabi ni Moon habang palabas kami ng condo ko.

"Umayos ka Hexa ah. Pag talaga ikaw nabuntis ng maaga--"

"Buntis agad ate? May nabalitaan ka na bang nabuntis habang nakikipagdate?" she rolled her eyes. Dakilang philosopher talaga.

"What I mean is, magkaroon ka naman ng permanenteng dinidate. Halos everyweek iba-iba ang naririnig kong ka-date mo eh."

"Well Heart, narinig mo na ba yung kasabihang Change is the only permanent thing on earth?" Gumawa pa sya ng quotation mark sa hangin gamit ang dalawa nyang daliri.

"Tsaka, buti nga hindi everyday eh."

"Whatever." Nakalabas na kami ng elevator nang may masalubong akong guard. Ang kagandahan sa condominium na 'to ay well secured at maganda ang service nila. Hindi ka manghihinayang sa ibinabayad sa kanila.

Nginitian ako nung guard. Si Mang Kiko. Sya lagi ang tumutulong sa aking mag-akyat ng mga pinamili ko kapag wala silang tatlo.

"Naku Ma'am mabuti ho at nandito kayo, paakyat na sana ako sa inyo eh." Nagkamot sya ng batok. Nagkatingingan kami ni Hexa.

Fifty Shapes of GrapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon