Prologue

263 12 10
                                    

Prologue

Isang araw nainlove ako.

Ayy! Hindi lang pala isang araw. Hmm.. Siguro nagtagal yun ng mga one year and five months.

Nagmahal ako sa isang tao. Minahal ko sya ng buong-buo. Pero tao nga ba yun? Tao pa bang maituturing yun kung pinaglaruan lang nya ang puso at pagkatao ko?

Imortal! Isa syang imortal! Bampira! Dracula! Taong Lobo! Kalahi nya si Edward at Jacob!

Ayy, erase erase! Si Edward at Jacob ay gwapo, mabait at mahal na mahal si Bella isama mo pa yung hotness nilang dalawa. Kaya hindi sila magkatulad! Hindi! Basta isa syang Imortal!

Ang akala ko mahal nya talaga ako. Ang akala ko kami na forever. Pero akala ko lang pala yun.

Because Forever doesn't really exist.

Buwiset sya!

Ang sarap nyang ipatapon sa Bermuda Triangle!

On the second thought, wag na lang pala. Mas maganda kasi kung pahihirapan muna bago patayin. Tama! Ang talino ko talaga.

Mabuti na lang at meron akong mga tunay na kaibigan.

TRUEFRIENDS. Nandyan sila palagi kapag kelangan ko ng karamay. Nung namatay nga yung aso kong si Tea nandyan sila para makiramay sakin.

Pero syempre mas madalas silang mga baliw. Kung anu-anong naiisipang mga kabaliwan. Kulang na lang eh dalhin sila sa mental hospital sa sobrang kabaliwan ee.

Pano ba naman lagi nila akong pinaglalaruan. Mukha ba akong barbie doll na kung kelan nila gustong make-up-an eh gagawin nila? Ginagawa din nila akong model dahil kung anu-anong klaseng damit ang pinapasuot sa akin.

Mabuti na lang at mahal na mahal ko sila.

They give me a lot of advices about sa pesteng Love na yan. Bwiset!

Sabi ni Crescent ang Love parang Game, paano ka daw mananalo kung di ka lalaban.

Sabi naman ni Moon ang Love parang Game din, bakit ka pa lalaban kung alam mong wala ka namang pag-asa.

Sabi ni Diamond, ang Love parang gutom, hangga't kaya napipigilan pa.

Mga kaibigan ko sobrang seseryoso. Akala mo lahat may pinagdadaanan. Well, lahat tayo may dinadaanan. Ako pagkagaling ng work dumadaan ako sa may All Night pauwi sa bahay, ewan ko lang sa iba. Magkaiba naman kasi tayo ng inuuwian. Ikaw san ka ba dumadaan? Sige na. Tawa kayo. Mga Sampu! XD Okay back to my prologue na.

Sabi ni Hexa ang Love parang utot, basta basta mo na lang mararamdaman at hindi mo mapipigilan.

Walangya 'tong kapatid ko. Puro kabastusan ang sinasabi. *Sorry po sa mga kumakain.*

Haaaaay! Ewan ko ba dyan, isa ding may pinagdadaanan. Hindi naman kasi lahat ng tao pare-pareho ang pinagdadaanan. May iba daang matuwid, tapos daang papuntang ilalim ng lupa at daang patungong langit.

Ayy! Ano ba 'tong pinag-iisip ko! Masyado na kong madaming sinasabi.

Basta ang alam ko..

"Love is like the sun, Love is in the air, Love is everywhere unlimited and free, my love. By: Daniel Padilla"

Narinig mo? Oh? bakit ka nagtatakip ng tenga? Ang ganda ng boses ko no? Mala-Anne Curtis. Sabi ko sayo eh, isinilang ako ng may blade sa lalamunan kaya ganito ang boses ko. Partida paos pa ko nyan. Pero hindi ko nilalait yung boses ni Anne aa. Yun naman kasi ang totoo diba?

San na nga tayo? Ayy! Ako nandito lang sa kama ko. Nakahiga. Eh ikaw ba? Haay! Back to the topic na nga.

Ang ibig ko lang namang sabihin ang Love nandyan lang yan, hindi yan mawawala kasi nga unlimited and free kaya wag atat, wag maharot, wag malandi, wag Makati dapat Maynila. Waaaah! Ano ba 'to Love tapos naging Maynila. Ayy, Ewan.

Basta ang Love dumadating yan sa right time, right place, right moment at higit sa lahat sa right person. Oh diba? Puro right, kaya bawal mangaliwa. Bad yun! Wag ganun! Owkay? Smile bawal ang Sad. Dapat? HAPPYYYYY, YIPPIEEEEE, YEHEYYYYY!

That's what you called LOVE. ♥

PS. Wag green minded. Read at your own risk. XD hihihi.

-iamchanine ♥

Fifty Shapes of GrapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon