Act Nine

34 6 4
                                    

Move on

Kung sa labas pa lang ay makalaglag panga na, pag pasok namin sa loob ay makalaglag mukha na. OMG! Grabe? Nasa isang royal palace ba ako? I was not expecting for this. Okay, dahil presidente si Kristoffe ay malamang mayaman din ang pamilya nya. Syet, parang gusto kong bumalik sa sasakyan at umalis na lang dito. Pinagmasdan ko ang napakagandang chandelier na nasa sala, ang mga bisita na naka-suit ay nagkalat. Ang mga babae ay mga naka-floral dress rin katulad ko iba-iba nga lang ang mga disenyo nito. Karamihan sa mga bisita ay mukhang mga business man. Mayroon din akong nakikitang mga babae na sa tantsa ko ay kasing edad ko lang. Magaganda ang mga suot ng mga ito, halatang pinasadya pa iyon para sa party na ito.

Kinalabit ako ni Moon at itinuro nya si Kristoffe gamit ang kanyang nguso. Ok, I guess hindi na talaga ako makakatakas dito, might as well enjoy it. Magpapaka seductress muna ako ngayon. Hinigpitan ko ang kapit sa braso ni Moon atsaka dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. Naaninag ko ang mga mata ng tao na nakatitig sa akin. Napangiti ako sa loob ko.

Natigilan si Kristoffe sa pagdating ko sa harap nya, kinailangan ko pang tumikhim para mabalik sya sa realidad.

"Uh, hi! Mabuti at nakarating kayo. Akala ko hindi na kayo makakarating kasi anong oras na." bati nya atsaka tumingin sa wristwatch nya. Yea I know it's already 8 at dahil yun sa nahirapan kaming hanapin itong malapalasyo nyong bahay.

"Of course we should come. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko yung imbitasyon mo right?" Ngumiti ako ng sobrang tamis sa kanya.

"Nahirapan kasi kaming hanapin yung address nitong bahay." Peste! Wala talagang masabing matino itong si Moon eh. Mas maganda kung tahimik na lang sya kapag nasa paligid si Kristoffe.

"What? I told you to call me for better direction. Paano kung naligaw kayo?" nakabaling ngayon sa akin si Kristoffe. Muntik na akong mapa-irap sa sobrang inis ko.

"No, we're fine. Tsaka nandito na kami 'di ba? Besides ok lang maligaw kasama ko naman si Moon I know hindi nya ako hahayaang mapahamak." Sumulyap ako kay Moon na ngayon ay nakangiting-aso na. Buwiset ka! Muntik na naman tayong mapahamak dahil sa bibig mo!

Bumalik ang tingin ko kay Kristoffe na ngayon ay nakatiim-bagang na. Lumunok sya bago magsalita.

"Let's go. Ipapakilala ko kayo sa parents ko and sa grandparents ko." Tumalikod sya para maglakad. Hinila ako ni Moon kaya napalingon ako sa kanya.

"What?" singhal ko sa tenga nya.

"Umayos ka ah. Manahimik ka na lang kung wala kang masabing maganda. Muntik na tayong mabuko kanina. Nakakainis ka talaga!" I spat.

"I know, sorry ok?" I rolled my eyes at him.

"I need to pee. Nasaan ba ang CR dito?" Nakangiwing sabi nya.

"Ano? Naihi na dahil sa hotness ni Kristoffe?" Biro ko sa kanya. Tumawa pa ako kaya mas lalo syang naiinis.

"Hindi ko din alam Moon. Hanapin mo na lang, susundan ko na si Kristoffe. Umayos ka ah. Gigiglitan talaga kita kapag gumawa ka na naman ng kapalpakan." Mabilis syang naglakad palayo para hanapin ang banyo.

Sinundan ko naman si Kristoffe na nakahito sa tapat ng pinto ng mansion, ngumiti ako sa kanya atsaka naglakad.

"Where is your boyfriend?" Malamig nyang tanong.

"Oh? Bathroom. Your fiancé?" Hindi na nya ako nasagot dahil nasa tapat na kami ng isang malaking pintuan na sa tantsa ko ay lugar kung nasaan ang lola nya. Why is he going to introduce me anyway? Sa tingin ko ay hindi na kailangan yun dahil matagal na kaming wala. Ngayon pa ba? Bakit hindi nya nagawa 'to sa akin dati? Ako pa ang pumipilit sa kanya dati na ipakilala ko sya sa parents ko at ipakilala nya din ako sa parents nya. Sa family ng isa't-isa. Nabuhay ang galit na itinago ko sa puso ko sa loob ng ilang taon.

Fifty Shapes of GrapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon