Act Four

57 5 5
                                    

Girlfriend

"Fuck!" Mura nya.

Wala akong ibang naririnig kundi ang mga pabulong nyang mura at ang mahihinang paghikbi ko. I don't know what to react. Isang estranghero ang kasama ko at bigla nya na lang akong hinalikan. Kung hindi siguro ako umiyak baka nakuha nya na ang gusto nyang makuha sa akin.

Dapat ba akong matuwa? Aba! Kung isa akong bayaran na babae matutuwa siguro ako pero hindi. Hindi ako ganung klase ng babae.

"Ssshhh. Stop it baby. I-I'm s-sorry." Tinanggal nya ang blindfold na nakasuot pa rin sa akin hanggang ngayon atsaka ako mabilis na niyakap.

Naamoy ko ang isang pamilyar na pabango na matagal ko ng hinahanap hanap. I don't know. He's really not a stranger.

"Gago ka!" Hinampas ko ang dibdib nya.

"Siraulo! Gago ka talaga! Akala ko kung sino na! Walang hiya ka!" Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko habang patuloy lang ang paghampas ko sa dibdib nya.

"I hate you! I really really hate you!" Niluwagan nya ang pagkakayakap nya kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para hampasin pa sya.

"Ikaw lang pala yan! Leche ka!" Unti-unti humina ang paghampas ko sa kanya. Narinig ko pang tumawa sya.

"Leche ka! Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sa kanya.

Walang hiya talaga. Nakuha pa akong tawanan. Halos mamatay na ako sa takot ko kanina tapos tatawanan nya lang ako? Ansarap nyang patayin! Buwiset!

"I hate you! I hate you! I hate you so much!" Siguro kung malambot lang ang dibdib nya ay matagal na syang patay. Pero ang dibdib nya is as hard as a wall. Well defined.

"Sabi mo ako lang pala 'to. So okay lang?" Aniya sa nakakalokong ngiti.

Napatigil ako sa paghampas sa kanya pero patuloy pa rin ang paghikbi ko kahit wala ng luhang lumalabas mula sa mata ko. Ngayon lang pumapasok sa utak ko ang mga salitang binitawan ko.

Nakita kong umaliwalas ang mukha nya at mas lumaki pa ang ngisi nya. Ang walang hiya nang-aasar pa!

"Ako lang pala 'to eh! Tuloy na natin." Umamba syang hahalikan ako ulit.

Nagsimula na namang mabuhay ang mga paru-paro sa tiyan ko. Sinapa din 'ata ng kabayo ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig nito. Hindi ko maipagkakaila na kahit dalawang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin nagbago ang epekto nya sa akin.

Mabilis akong umupo ng maayos dahilan para makalayo sya sa akin. Ngumisi na naman sya.

"May boyfriend ka na nga pala." Aniya sa malungkot na tinig.

No Heart, 'wag kang magpapaloko dyan. Tsaka ang alam nya may boyfriend ka, remember? Ang alam nya boyfriend mo si Moon.

"Saglit ko lang niluwagan ang pagkakahawak ko sa'yo nagawa mo na akong saktan." Hindi ko naintindihan ang mga sumunod nyang sinabi. Double meaning eh? Dahil ba yun sa paghampas ko sa kanya?

"Ang gwapo pala nung ex mo." Untag sa akin ni Moon.

Isang linggo na ang nakalipas mula noong party at ilang araw nya na rin akong kinukulit tungkol kay Kristoffe.

Binalewala ko lang ang sinabi nya atsaka nagpatuloy sa pagguhit at pagdedesign ng bahay.

"Kung sana ay tinapos ko ang course ko sa university na 'yon ay nakilala ko sya. Kaso hindi eh." Tumabi sya sa akin sa may dining table.

Dito ko tinatapos ang new project na ni-offer sa akin ng isang real estate company. Ako ang kinuha nilang architechture sa pagdedesign ng mga bahay at condominium nila. Hindi ito ang unang beses na may nag-offer sa akin ng project pero it seems new to me at gusto kong gawin ang best ko sa paggawa nito.

Fifty Shapes of GrapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon