Act Eleven

48 3 0
                                    

Him

Minsan talaga naiisip ko na dapat hindi na lang talaga nag-krus ang landas namin ni Kristoffe eh. Na sana hindi ko na lang sya nakilala. Na sana hindi na lang naging kami at hindi namin minahal ang isa't-isa. Pero alam ko ding hindi ko maloloko ang sarili ko, I can fool anyone except from myself. Kahit anong sabihin ng utak ko na may regrets ako ay hindi pumapayag ang puso ko lalo na ang hypothalamus ko. Ngayon, napatunayan ko na, na kahit kailan maraming bagay sa mundo ang hindi talaga nakatadhana para sa isa't-isa. Napatunayan ko na opposite doesn't really attracts. Sa physics lang nag-eexist ang opposite attracts, sa magnet to be specific.

Mahirap pala talagang maniwala sa isang bagay hangga't hindi mo ito nararamdaman o nararanasan. To feel is to believe kumbaga. Pero wala na eh, sabi nga sa DoTA 'The damage has been done.' Hindi maibabalik sa dati ang nasira na gustuhin ko man itong maayos. Kaya move-on eh.

Bumalik ako sa loob para magpaalam na ng pormal kay Lala kahit na hindi man kami pormal na nagkakilala dahil hindi naman namin sya naabutan kanina. Magpapaalam lang ako at aalis na. Pagbalik ko sa loob ay si Diamond agad ang hinanap ko.

"Heart.."

"Diamond, I have to go. Nasaan yung pamilya ni Kristoffe, magpapaalam lang ako." Diretso kong sabi sa kanya.

"Aalis ka na agad? Anong sasakyan mo?" Sabi nya habang dahan-dahan kaming naglalakad papasok sa loob ng bahay.

"Magtataxi na lang ako. Don't worry." Mabilis kong sagot sa kanya.

"No! Kristoffe won't allow that." Tinignan ko sya nang may pagtataka.

"I mean, kasi bisita ka nya. He's responsible for every vistors he invited. At isa ka na doon. Wait I'll call him." Hindi na ako nakapag-react dahil mabilis syang umakyat.

Naupo ako sa pinakamalapit na sofa sa sala. Napapagod ako. Maingay sa labas, marahil ay nagkakasayahan na ang mga businessmen at businesswomen doon. Halos kasi sila ay puro business ang pinag-uusapan sa tuwing mapapadaan ako sa kanila.

May mga ilang maid din ang labas pasok ng bahay. Mag-sasampung minuto na ang nakakalipas ay hindi pa din bumababa si Diamond. Medyo naiinip na din ako. May narinig akong pagbukas ng pinto ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa hagdanan.

"Sir, kumain na po kayo. Kanina pa po kayo hinahanap ni Madame, nandyan lang po pala kayo sa guest room." Sabi nung isang taga-silbi na may bitbit na mga rosas. Nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko na nakita. Sinulyapan ko ulit ang wristwatch ko at lumipas na naman ang limang minuto. Nanunuyo na din ang lalamunan ko dahil kanina pa ako hindi nagsasalita. Tinawag ko yung isang maid at manghihingi sana ng kahit anong pwedeng mainom pero may bitbit sang isang tray ng hindi ko alam kaya naman ay hindi ko na sya inabala at tinanong ko na lang kung saan ako makakakuha ng inumin. Tinuro nya sa akin ang daan papunta sa kitchen nila.

Naabutan ko doon yung lalaki kaninang kausap nung isang maid. Nakatalikod ulit sya. Naka-itim na sa sando lang sya, naka-maong na short at nakapangbahay lang na tsinelas. Sa suot nyang 'yon ay kitang-kita ang hubog ng katawan nya. His shoulder's shouting its broadness. Nag-fiflex din ang muscle nya sa braso dahil sa pag-angat baba nito habang sumusubo ng pagkain. Napalunok naman ako bigla. Bakit kahit nakatalikod sya ay ang hot nyang tignan.

"I'll just get water." Pagpapaalam ko. It would be rude kasi kung didiretso lang ako sa pagkuha ng kailangan ko lalo na at isa yata syang Black.

Hindi naman sya umimik kaya nagdirediretso ako sa lalagyanan ng baso at kumuha ng isa. Dumaan ako sa likod nya at umikot sa harap nya para makakuha ng juice na nasa pitsel. Naramdaman ko ang paninitig nya pero nanatili akong nakayuko. Tumagilid ako para inumin ang juice na isinalin ko sa baso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fifty Shapes of GrapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon