Act Ten

54 4 0
                                    

Trailblaizer

Dumiretso ako sa baba pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kristoffe. And for the record and for the nth time I lied again. Ilang beses ko na bang niloko ang sarili ko? Ilang beses na ba akong nagsinungaling sa sarili ko? At ilang beses na ba akong nag-deny sa sarili ko? Hindi ko na mabilang.  Inaamin ko na in-denial ako sa nararamdaman ko kay Kristoffe and that is because I’m confused. Nalilito ako sa nararamdaman ko. I know I still love him and I won’t deny it to myself. Dinedeny ko lang naman sa harap ng mga tao yun dahil ayokong malaman nila na I’m still crazy and madly inlove with that jerk. Ayokong malaman nila na mahina pa rin ako pagdating sa kanya. Alam nilang nakapag-move on na ako. Nagbago na ako pati na rin ang nararamdaman ko.

Mali bang mag-deny? Mali ba yung ginagawa ko? Hindi ko na kasi alam kung anong ginagawa ko dahil nga nalilito na ako. Ang dami kong naiisip at gustong gawin. Gusto kong maghiganti kay Kristoffe. Gusto kong iparamdam sa kanya yung sakit na ipinaramdam nya sa akin noong iniwan nya ako. Gusto kong makita at malaman nya na wala na syang babalikan.

I laughed in my head with the thought of him taking me back. Ako? Babalikan nya? Ikakasal na nga sya eh. Magpapakasal na sila ni Amethyst kaya wala nang magaganap na balikan. All I have to do is to be happy for him. Kaya dapat maging masaya din sya para happy na lahat.

I saw Diamond standing beside the bench, she’s talking to someone through phone. Hindi na din ako nagulat na invited sya dito. Close sila ni Kristoffe eh.

“Ok, I understand. I’ll try my very best to help you.” Narinig kong sabi nya. Lumapit ako sa kanya at tumayo din sa tabi nya. Tinitigan ko sya kaya tinignan nya ako pabalik, nagulat pa sya. Mabilis syang nagpaalam sa kausap nya at hinarap ako..

“Heart!” bati nya tsaka nakipag-beso.

“Kanina ka pa ba dyan?” tanong nya atsaka kami naupo sa bench.

“No, Sinong kausap mo?” sagot ko naman.

“It’s just a friend. Calling for help. Nagpapatulong sa babae.” She chuckled.

“Aaaaaah.” Yun lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi naman kasi ako maka-relate sa sinasabi nya. Ayoko din naman pang-himasukan yung private life nya. Hindi din naman kasi kami ganung ka-close eh.

Maikling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

“Ngayon lang kita nakita. Kararating mo lang ba?” basag nya sa katahimikan.

“Yea. So you’re expecting me here?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Sort of, may pinagsamahan din naman kasi kayo ‘di ba?”

“Ah.”

“So? Hmm. I hope na friends na ulit kayo. It’s been two years.” Tinignan nya ako bago  nginitian. Hindi ko naman sya mangitian pabalik.

“Eh, Honestly I-I don’t k-know.” Napangiwi ako sa pagkabulol ko.

“You are still into him.” Sinabi nya iyon na parang nag-recite lang sya ng ABC.

“W-what? Of course not.” Yea, I’m so defensive. Tumawa sya. Nakakaloko din ‘tong babaeng ‘to ah.

“I’m just kidding Heart. You sound so defensive. Ang cute mo mag-blush.” Sabi nya at tumawa ulit. Awtomatikong napahawak ako sa pisngi ko para matakpan ang pamumula daw ng mukha ko.

“Ang ibig ko kasing sabihin doon ay hindi ko alam kung friends na ba kami. Nag-kausap kasi kami kanina and I told him na nakapag-move na ako.” Pag-amin ko sa kanya.

“Ano namang sabi nya?”

“He explained everything. Na gusto nya lang daw akong protektahan. Hindi ko naman maintindihan kung saan nya ako pinoprotektahan. Hindi ko na din inalam kasi wala din namang sense ‘di ba? Para saan pa? Ikakasal na sya sa fiancé nya.” Bakit ba lagi na lang kumikirot ang puso ko kapag sinasabi ko na ikakasal na sya sa iba?

Fifty Shapes of GrapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon