Act Six

48 5 0
                                    

 

Mahal

“Ano ba naman yan Heart? Nagpunta ako dito dahil ipagluluto kita tapos hindi ka dito magdidinner? Explain mo nga sa akin? Bakit? Bakit? ” Lumuhod sya sa harapan ko at kumapit sa binti ko.

“Mukha kang tanga Hexa. Tumigil ka nga, tumayo ka dyan para kang baliw dyan eh.” Pilit kong ginagalaw yung binti ko para mabitawan nya.

Oh My God! She’s getting into my nerves! Umandar na naman ang kabaliwan ng kapatid kong matagal ng baliw. Sabi ko kasi na huwag na syang magluto dahil nga hindi kami dito magdidinner. Kinuwento ko sa kanya yung about sa invitation na binigay sa akin ni Kristoffe. At ayan, nag-inarte na sya. Baliw talaga!

“No Heart. No way! Namiss kita tapos hindi pala kita makakasama? Hindi ako papayag. Makikipag-patayan ako kay Kristoffe Black!” Mukha syang tanga, swear!

“Oh My God! Pa’no ba kita naging kapatid?” I whispered.

“Moon, tanggalin mo nga ‘tong babaeng ‘to.” Tinawanan nya lang ako at hinayaan lang si Hexa sa paanan ko. Lecheng bakla ‘to!

“Kapatid mo ‘yan, ikaw lang makakapag-amo dyan.” Tumawa na naman sya. Buwiset! Nagulat ako ng biglang tumayo si Hexa.

“What did you just said? Ano ako? Aso na aamuhin? Mukha ba akong aso Buwan? Ha?” dahan-dahan syang lumapit kay Moon.

“I didn’t say anything, ano ba? ‘wag ka nga!” natatarantang sabi ni Moon. Ha! Lagot ka sa babaeng ‘yan.

“No, I heard you. What did you say?”

“Noooooooooo! Aaaaaaah! Heaaaaaart!” at naghabulan sila papuntang sala. I would rather choose the other Hexa, yung parang baliw pero maamo not this one. Ang wild.

“Help meeeeeeee!” Tili ni Moon. Tinawanan ko lang sya katulad nang ginawa nya sa akin kanina nung humihingi ako ng tulong. Give and take baby.

Dumiretso ako sa kwaarto ko para makapagprepare na sa party mamaya. Well, I don’t need to prepare much. Hindi naman importante ang presensya namin doon. Pero wait, ano nga ba ang dapat naming suotin? Isip Heart. Matalino ka. Mag-isip ka. Okay, wait lang.

Ang party na yun ay sa lola ni Kristoffe, meaning maaaring puro matatanda ang nandoon. Pwede rin namang mga kamag-anak lang ang nandoon. Teka, wala akong alam sa family background ni Kristoffe eh. Hindi ko alam kung ano ba ang estado nila sa buhay. OMG, Heart? Seriously?

Hala? Birthday ‘di ba? Wala akong pangregalo? Ano ba dapat ang ireregalo sa mga lola? I don’t know. Gosh! Ano ba ‘to? ‘Wag na lang kaya kaming pumunta? Oo, tama. Hindi naman talaga kami formally invited dun eh.

“Why you gotta be so rude? Don’t you know I’m human too..”

“Ayy, Pwet ng kabayo!” Nagulantang ang beauty ko dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Buwiset to ah! Tsaka bakit ganito yung ringtone ng phone ko?

“Why you gotta be so rude? I’m gonna marry her anyway. Marry that—“ pinindot ko na ang accept button dahil nakakairita yung kanta.

“Hello?” Naiirita kong sagot. Wala namang sumagot. Pinagtitripan ba ako nito?

“HELLO! Aba kung sino ka man ang kapal ng mukha mong mang-istorbo! Tatawag-tawag ka tapos hindi ka magsasalita? Alam mo bang ang dami kong iniisip? Aattend pa ako sa birthday party ng ex-boyfriend ko. Kaya kung wala kang magawa humanap ka ng ibang pagtitripan mo at kung wala ka namang sasabihin ay ibababa ko na ang cellphone.” Ibababa ko na dapat ng may narinig akong tumawa. Pinaghalong boses ng lalaki at ng babae. Aba! Sinusubukan talaga ako ng mga ‘to ah. At bakit sila tumatawa? Siguro naglalampungan ‘tong dalawang ‘to tapos nang-iinggit! Leche sila!

Fifty Shapes of GrapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon