Act Eight

35 4 0
                                    

V.I.P.

Padabog kong isinarado ang pintuan ng kotse ko. Inis na inis ako. Buwiset talaga! Bakit nakikisama pa yung mga dress shop sa problema ko? Is it possible na walang available doon na dress which is I badly need? Coincidence? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Oh God! Sa sobrang buwiset ko ay hindi ko na nakuha yung damit sa sasakyan. Pumihit ako para bumalik sa sakyan at kunin yun pero muntik ko ng mabunggo si Hexa na nakasunod sa akin. Bitbit nya yung box ng damit. Marahas kong hinablot yun sa kanya at naglakad na papuntang elevator.

"Kumalma ka nga Heart. Para kang baliw!" natatawa nyang sabi sa akin nakatikim sya ng matatalim kong tingin. Nag-hands up sya.

"Para ka naman kasing ewan, ano bang nangyayari sa'yo?"

Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Bakit nga ba ako nagpapaapekto dahil lang sa wala akong mahanap na dress? It's just a fucking dress for Pete's sake! Pero nabubuwiset talaga ako dahil mapipilitan akong suotin 'tong dress na binigay sa akin ni Kristoffe.

Okay, I'm trying to move on here pero yung hinayupak na lalaking yun ay hindi ako tinitigilan. Aba! Kakaiba sya ah. Nasesense nya na mahal ko pa sya at hindi pa ako nakakapag-move on sa kanya. Nakakainis! Sa susunod nga babasahin ko yung Para sa Broken Hearted ni Marcelo Santos III ng makahanap naman ako ng matinong advice para sa sarili ko para makapag-move on

"Bakit ba kasi walang dress?!" Sigaw ko sa loob ng elevator. Mabuti na lang at wala pang nagtatangkang pumasok dito.

"Saan ka ba naiinis? Sa wala kang nakitang dress o dahil susuotin mo yang bigay ni Kristoffe na dress?"

"Pareho!" Wala sa sarili kong sagot. Tinawanan nya lang ako sabay sabi ng...

"Weh?" Nakarating kami sa condo ko. Akmang bubuksan ko na iyon gamit ang keycard ko ng bumukas iyon. Tumambad sa akin si Cresent.

"Sila na ba yan?" Narinig kong sigaw ni Moon. Base sa sigaw nya ay nasa kwarto ko sya.

"Hi." Bati nya sa akin. I kissed her cheek at ngumiti tsaka sya nilampasan at nagdirediretso sa kwarto ko. I didn't even bother asking why she is here. I'm just really tired.

"May Visitor." Narinig kong sabi ni Hexa. Lilingon sana ako para tignan yung sinasabi nyang visitor pero narealize ko na hindi yun ang ibig yang sabihin. May 'dalaw'. 'Yun ang ibig nyang sabihin dun.

"Oh, may nabili kayo? Maganda? Patingin." Kinuha ni Moon ang box na inihagis ko sa kama. Nakita kong napangiwi sya ng mabasa ang nakalamukos na note galing kay Kristoffe.

"Oooow, may sponsor ka friend." Inirapan ko sya sa sinabi nya. Hanggang irap lang ang kaya kong gawin ngayon. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanilang tatlo.

"Ay, meron ka teh?" Natatawa nyang sabi. Seriously? Nakakatawa ba na nakikita nila akong naiinis?

"Sige na Heart magshower ka na. Ipeprepare ko lang yung mga kailangan mo." Mahinahong utos sa akin ni Crescent. Buti pa 'tong isang 'to eh, baliw pero may sense kausap.

"Sige." Tumayo ako at nagpunta na sa banyo. Agad kong binuksan ang shower atsaka nagpakalunod doon. Joke! Hindi ako malulunod unless may bath tub at ayoko pang mamatay. Gusto ko pang magka-pamilya no.

"Bakit? Anong meron do'n?" Narinig kong tanong ni Moon. Pinag-uusapan nila ako at alam kong aware sila na naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

"Wala kasi kaming mahanap na floral dress." Walang ganang sagot ni Hexa.

"Naku, sana nasabi nyo sa akin ng maaga. Meron akong mga dress sa bahay eh, kaya lang kung uuwi pa ako ay gagabihin ako." Suhestiyon ni Crescent. Good suggestion but that would be a waste of time.

Fifty Shapes of GrapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon