CHAPTER 1️⃣

17 1 0
                                    

Mikee's POV

Hello everyone! My name is Mikee Kim at kasalukyan akong kumukuha ng--

*booggsshh*

"Hello nanny! I was about to play outside with this airplane! Can you join me please???"
Naku! Sinasabi na nga ba! Ayan na naman siya! Ang laki laki na, puro laro pa! Di niyo aakalain na kasing edad ko lang yang lalaking yan! Ewan ko! Masyado siyang isip bata pero ang kagwapo naman! Ang yaman! Ang tangkad! Kung talagang hindi to isip bata, baka na-fal--
"Nanny what are you doing? Are you just going to stare at me?"
'sheemmmsss!'
"Of course not! I can't join because nanny have many things to do and Im gonna wash your dirty and stinky clothes." sabi ko sa kanya. Englishan kaya kami niyan! Okay na talaga sana eh! Yung ugali lang talaga! Sayang na sayang talaga!
"Okay nanny! But when you finish all of that you'll join me okay?" sinasabi niya habang pababa ng hagdan.
"Oo na! Oo na!" sigaw ko pabalik sa kanya.
Tinuloy ko na ang pagkuha ng nakakalat niyang mga damit sa paligid ng kwarto niyang mabaho at puno ng laruan pero..................................
"Nanny! Also wash my underwears right at my computer! I almost have three briefs there!" sigaw niya bigla.
Napalingon naman ako sa computer niya at...
Tatlo ngang brief ang nakita ko. Napailing nalang ako sa sobrang bagra ng lalaking to! Ang linis naman niyang tignan pero napakadumi ng kwarto pati ng damit kasi ilang oras muna ang papalipasin bago maligo! Mas malala pa siya alagaan kasya sa sanggol.
So, nagtatanong ba kayo kung bakit ko inaalagaan tong lalaking to?
Sasabihin ko na kahit di niyo tinatanong :)
Ganito kasi yun..........

(FLASHBACK)

Wala na talaga akong ma-aplayan na trabaho dahil halos lahat meron na.
"Hindi ko alam na ganito ako kamalas." nasabi ko na lang sa sarili ko.
Ilang saglit lang, nakakita ako ng malaking bahay na may nakalagay... 'NEEDS A RESPONSIBLE NANNY'
Nabuhayan naman ako bigla nang makita ko ang sahod!
'20,500 pesos every two months'
Nanlaki talaga ang mga mata ko kaya di na ako nagabala pa at pumunta sa naturang bahay.
Wala nanaman akong choice at isa pa handa naman akong mag alaga bata man o matanda :)
Nag doorbell ako at isang guard naman ang sumulpot.
"Ano pong kailangan niyo ma'am?" tanong sakin netong guard na napakalaki.
"Ah, mag-a-apply kasi sana ako as a nanny na kita ko sa labas ng bahay." sabi ko naman sa kanya.
Nagtaka ako nang biglang ngumiti ang guard at ako'y pinapasok. Sinamanhan niya ako na makapasok sa loob ng bahay at nakita ko kung gaano kalaki at kaganda ito.
Tumigil kami sa isang malaking pinto at kumatok ang guard.
"Pasok." sabi naman ng boses babae na nasa loob.
Binuksan ng guard ang pinto at bumungad ang isang babaeng at least forty's na.
"Hello iha." bati niya sa akin. "Ano ang ipinunta mo dito? May atraso ba sayo ang anak kong matigas ang ulo?" diretsong tanong niya sakin.
"Hindi ko po kilala ang anak ninyo." sabi ko naman "Ako nga po pala si Mikee Kim. Nandito po ako para mag-apply bilang nanny na nabasa ko po kanina sa labas ng bahay niyo." sabi ko naman sa babae.
"Ah! Okay sorry iha. Tanggap kana." sabi niya.
"Po?" napamaang ako sa sinabi niya.
"Iha huwag ka nang magtaka kung masyadong mabilis kang na-hire. Naipakita mo sa akin agad na mabait ka at responsable." sabi niya at ngumiti.
"At ang ganda mo iha." sabi pa niya.
"Naku maraming salamat po sa inyo! Kailan po ba ako pwedeng magsimula? At sino po ba ang aalagaan ko?" tanong ko naman sa kanya.
"Iha pwede ka nang magsimula bukas at ang aalagaan mo ang anak kong matigas ang ulo." sabi niya sa akin.
"Sana maging mapagtimpi ka sa ugali niya." pahabol niya pa.

(END OF FLASHBACK)

So ayun! Akala ko bata or matanda ang aalagaan ko pero matandang isip bata pala!

MY CHILDISH BUT HOT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon