"ALL YOU HAVE TO DO IS FOLLOW THIS DOT"instruction ko kay Kyle.
Nakakunot noo naman niya akong tinititig kanina pa.
"What?"naiinis na ako wala pa akong tulog tatlong araw na straight.
"Hindi mo na ako kailangang bigyan ng instruction dyan, alam ko na ang gagawin ko. Ilang taon na naming ginagamit iyan"sabi into na nakakunot noo pa din.
Ako naman nanghahaba ang nguso ko habang nakatitig sa kanya.
Eto ang araw kung kailan niya susundan si Selena or mas magandang sabihin huhulihin. Wala naman akong duda sa kakayahan no Kyle, kaso hindi mawala sakin na kabahan.
Uno doesn't know Kyle. Kaya kinakabahan ako. Kahit pa sabihin Kong skilled fighter si Kyle, notorious killer naman si Uno.
"Kinakabahan ka ba na baka mamatay ako sa lakad kong ito?"ayon tumbok niya ang dilemma ko.
Nagcross arm ako sa harapan niya at inirap irapan ko siya.
"Kaya ba high performance ka kagabi kasi iniisip mong last na natin kagabi? "Anito na nakangisi na.
Inirapan ko nga siya.
"I'm just horny last night"dalihan ko.
Nilapitan niya ako at niyakap iniiwas ko naman ang mukha ko sa kanya.
"Baby, killer man ang kapatid mo hindi ko siya kinatatakutan. At lalong hindi ko iniisip na last day ko ngayon. Aanakan pa kita tandaan mo iyan"lambing niya.
Naiinis ko siyang tinignan.
"Sa lahat ng kalaswaang ginawa natin sa loob ng dalawang buwan sa tingin mo wala pang laman itong tiyan ko?"inis Kong sikmat sa kanya na ikinatawa niya lang.
"Sino ba satin ang mahilig? Ako ba?"pang-aasar na naman niya.
Piningot ko ng ang ilong niya at nagpupumiglas ako sa yakap niya.
"Go, alis na. Wag kang babalik na hindi mo bitbit ang bruha na baliw pang kapatid ko"taboy ko sa kanya.
"Are you okay ka lang mag-isa dito? Gusto mo bang maghintay tayo ng makakasama mo. Call Althea or Ate Quinzel or better yet si Viper nalang"anito na nag-aalala.
"Kyle, Quatro just gave birth. Anong gusto mo katayin tayo ni King. Si Althea naman hindi pwede iyon, we're both not trained for fighting physically. At sa estado niya ngayon hindi pwede ang intense stress sa utak niya"paliwanag ko.
Napakunot noo na naman siya habang nakatingin sakin.
"Fine, ewan ko kung alam na ng dalawa. But Althea is pregnant. See that..."turo ko sa monitor sa lamesa. "Althea's medical vital signs shows that she's pregnant"dagdag ko pa na ikinagulat niya.
Nakatitig lang siya sa monitor na itinuro ko. Gamit ko ang computer na nahiram niya sa presinto nila. Mabagal man pero. Mapakikinabangan naman, hindi ko gamit si Core pero may back up ako.
For emergency na katulad nito.
"Kyle"tawag ko sa kanya kasi nakatitig pa din siya sa monitor.
Alam ko matalino siya, subok ko na iyon. Hindi pa man kami matagal na magkasama bilang magkatrabaho noon nahuli na niya agad ang pagpapanggap ko. Kaya alam ko kung anong tumatakbo sa isip niya ng nga oras na ito.
"Scarlet, after I found your sister we'll gonna get married"aniya na nakatitig na sakin.
I'm expecting that, pero iba pa din pala kapag heto na at sinasampal na ako ng katotohanan. Nakakabigla at nagiging emosyunal ka.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #9: Scarlet (COMPLETED)
RomanceNINE BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Kyle and Scarlet Story