"KYLE!"
Matinis na boses ko ang namayani sa buong silid kung nasaan kami. Kasunod noon ang pagtama ng bala ng baril kay Kyle at ang pagbagsak nito.
"No!"umiiyak Kong sigaw pa.
"ACCESS GRANTED. HELLO SYUZANNA"boses ni Core.
Napayuko nalang ako.
"Bakit kasi itinulak mo?!"sigaw ni Uno.
"He is still my father, Selena!"sigaw din ni Quinzel.
Tumatawa naman ng malakas si Lacano habang nagkakagulo na sa loob.
"Urg!"
Napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang daing niya.
"I told you not to speak..."sabi pa niya habang nakatitig sakin.
Nakatayo na si Kyle habang sapo-sapo niya ang tagiliran niya.
"Hindi siya magaling bumaril"sabi pa niya.
Sasagot pa sana ako ng dumagsa ang mga tauhan ni Lacano. They got me and the others. Patakbong lumapit sakin si Kyle pero hindi na siya umabot pa. Napigilan na siya ng mga tauhan ni Lacano.
Sa sobrang bilis ng pangyayari namulatan ko nalang nakahiga na kami sa parang stretcher o parang lamesa. Ewan basta nakahiga kaming lima, ako, si Quinzel, Althea, Selana at Lord Kaiser. Hindi ko alam kung saan dinala sila Kyle, Ismael, Victor at Madeline.
"Tumigil ka na Lacano!"pagwawala ni Althea. "Pakawalan mo kami dito"
Busy si Lacano habang nagmamando siya sa nga tauhan niya ng gagawin.
May mga nakahospital gown na nagkalat dito. Madaming medical instrument ang nasa paligid. Ganitong ganito ang nakita ko noong inilagay nila ang chip kay Reine pero mas marami ang gamit ngayon na nakikita ko.
"Kabaliwan lang ang Einstein program mo"naibulalas ko na ikinalingon niya samin.
Tinitigan niya kami ng ilang minuto bago siya tuluyan na humarap samin.
"Hindi kabaliwan ang tawag doon"aniya sa malumanay na boses.
Tinignan niya kami isa isa.
"Kayo ang resulta ng Project Einstein ni Ludmila. Sa tingin niyo ba tatalino kayo ng ganyan kung hindi dahil sa kanya?"
Nagkalingunan kaming apat sa sinabi niya.
"What are you trying to say?"si Selena ang nagtanong ngayon.
Tumingin si Lacano kay Selena at doon naman siya lumapit sa paanan nito.
"Ludmila, your mother had invented a serum."nagmuwestra pa siya ng maliit na bahagi sa kamay niya. "Ganito lang kaliit na butelya ang napagkayarian ng serum niyang ilang taon nilang pinag-aralan ng asawa niya."naglakad na naman siya habang nagkukwento.
"That serum changes everything in her life. Wala siyang makitang specimen na pwedeng pagturukan ng serum kanya sa sarili niya ginawa ang test. Buntis siya noon sayo Selena"
Muli nagkatinginan kami ni Selena. I didn't know this part of the story. And maybe Selena too, because I can see she's confused too.
"Walang nangyari sa kanya, walang nagbago. Kaya itinabi nilang mag-asawa ang serum. Muling gumuwa ng mga bagong mixture ng elements nagdiscover ng kung ano-ano hanggang manganak si Ludmila. Sa unang taon napansin na nila agad ang pagkakaiba mo Selena sa ibang mga bata. But they just confirm it when your three. That your beyond progidy. I was with them from the start, the serum they made they call it Einstein serum. Patatalinuhin ang kung sino mang matuturukan nito. And it made happened pero hindi kay Ludmila nangyari sayo na anak niya"
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #9: Scarlet (COMPLETED)
Roman d'amourNINE BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Kyle and Scarlet Story