ANO ITO, BAKIT KAMI NAUWI SA GANITONG SITWASYON.
"Hoy baliw na Selena, kapag ako nakatakas dito sasabunutan talaga kita!"sigaw ni Althea.
Ang tapang tapang niya ngayon, siguro dala na din ng pagbubuntis niya. But that's not what I care the most at the moment.
Wala akong pakialam sa paligid ko, kundi sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Ayos ka lang?"tanong ko sa kanya sa mahinang boses.
Dahan dahan siyang tumango sakin. I saw a lone tears on her cheek. Naiinis na napapikit at yuko nalang ako. Ilang beses din akong mahinang nagmura.
God, gusto Kong nagwala sa mga oras na ito. Pero wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay at para ko.
Kahit tinanguan niya ako alam Kong hindi siya okay. Ang dami niyang sugat sa katawan, may mga natuyong dugo na sa katawan niya. Ang lalim lalim na ng mga mata niya.
"Ano bakit tatawa-tawa ka lang dyan. Baliw!"sigaw na naman ni Althea.
Nahuli kaming lahat at ito na nga lahat kami nakatali magkakahiwalay. Nakapaikot kami at nasa sentro si Scarlet.
"Tama na Althea, save your strength don't waste it"saway ni Ate Quinzel kay Althea.
"This is all wrong, a trap to our death. Tapos ngayon tatawa tawa ka lang dyan"hindi pinansin ni Althea si Ate Quinzel.
"da, vse eto tol'ko dlya bol'shogo shou."ani Uno na tumatawa. 'Oo, lahat ito ay para lang sa isang malaking palabas'
Hindi ko siya naintindihan, Russian language na naman ang ginamit niya. Pansin ko kanina ng magkita-kita na kaming lahat dito sa loob ng kung anong bwisit na lugar na ito, hindi na nagsalita ng ibang lenguwahe si Uno. Marami siyang sinasabi na hindi ko maintindihan.
"Bwisit ka, magtagalog ka. Wala ka sa Mars"sigaw na naman ni Althea.
"Ma moitié, huminahon ka na. Makakasama sa baby natin ang palagi kang galit"saway ni Ismael sa asawa niya.
"Manahimik ka, galit ako ngayon. Kaya galit din ang anak ko. Naiintindihan niya ako"sigaw na naman ni Althea.
Natahimik lang si Althea ng may magpaputok ng baril. Paglingon naming lahat nakita namin si Lacano ang may gawa noon.
"What a great reunion we have in here"aniya habang papalapit samin.
Sa tabi siya ni Scarlet huminto.
"Well, kompleto na tayo. Oh wait hindi pa pala, si Reine wala pa"baling nito kay Quinzel.
"Itigil mo kung ano mang kagaguhan ang naiisip mo Lacano!"gigil na banta ni Quinzel na tinawanan kang ni Lacano.
Tumingin siya sakin sabay ngiti.
"Sayang ka Inspector De Larra. You have a promising career a head of you. Your good in every mission you have, you deliver your assignment with flying colors on it. Pero sinayang ka lang ng babaeng ito"aniya na sinabunutan si Scarlet.
"Bitiwan mo siya!"sigaw ko.
Nagpupumiglas ako na makakawala dito, nagigil ako habang nakatitig sa kanya.
"Have you seen this Sakichi, your man is hurting. Wala ka bang sasabihin man lang sa kanya. Hindi mo man lang ba siya bibigyan ng assurance na okay ka lang"malambing na baling into kay Scarlet.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Scarlet, bago nginisihan.
Pabalagbag niyang binitawan si Scarlet. Nagsimula na naman siyang naglakad hanggang umabot siya kay Uno.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #9: Scarlet (COMPLETED)
RomanceNINE BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Kyle and Scarlet Story