HANDA MO BANG TALIKURAN ANG PANANAMPALATAYA MO SA DIYOS? DAHIL SA POOT AT GALIT?
MAKIKIPAGKASUNDO KA BA SA NILALANG NA ALAM MONG KALIGTASAN NG KALULUWA MO ANG KAPALIT NITO?
IHANDA MO ANG SARILI MO SA NA KAKAKILABOT AT NAPAKAHIWAGANG BUHAY NG ISANG MAY SAPI.......
N/A:
I HOPE NA MAGUSTUHAN NINYO PO ANG KAUNA-UNAHANG HORROR STORY KO PO
Di ako magaling sa pag-gawa ng horror story, pero ito ay isang kuwento na hango sa tunay na pangyayari iniba ko lang ang lugar at pangalan ng mga tauhan para sa privacy nila.
Plz vote and comment thank you
ENJOY READING....
1ST PERSON POV
Akala ko kapag nagdasal ako sayo papakinggan mo, pero bakit! Bakit! Mo kinuha ang pamilya ko, sana di mo na ko binuhay, sana isinama muna ako sa kanila ng di na ko nasasaktan ng ganito. Lahat ng utos at pangaral mo sinunod ko, lahat ng alam kong tama ginawa ko para maging kalugod-lugod sa harapan mo, pero anong ginawa mo kinuha mo ang buong pamilya ko, bakit ang damot-damot mo. Sila lang ang kaligayahan ko pero inalis mo sila sa buhay ko. Simula sa gabing ito itinatakwil kita bilang tagapag-ligtas ko at Diyos ko...
Naramdaman ko yung hangin na mabigat na dumampi sa buo kong katawan, hanggang sa na karamdam ako ng pangingilabot, at isang nakakatakot at nakakapagpatayo ng balahibong tawa na parang galing sa ilalim ng lupa. Di ko ito pinansin lumabas ako sa balkonahe at pinigtas-pigtas ko ang rosaryo na aking hawak. Sa ginawa ko biglang kumulog at kumidlat... parang galit na galit ang langit sabay bumuhos ang malakas na ulan. Nang biglang parang may pumasok na itim na usok sa aking bibig na di ko mapigilan at huling natatandaan ko dumilim ang buong paligid ko. At bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata nakita ko ang nilalang na sa panaginip ay di ko akalain aking makikita.......
KASALUKUYANG PANAHON:
Darleen !!! bilisan muna diyan baka mahuli ka sa klase mo...wika ng pinakamamahal kong ina.
Opo mama! Andiyan na po nagsusuklay na lang po ako ng buhok ko.
Bago ako lumabas ng kuwarto ko binitbit ko na lahat ng gamit ko at syempre ang aking agimat ang rosaryo ko.
Pagkababa ko ng hagdan sumalubong na sa akin ang amoy ng fried rice na alam kong madaming bawang na paborito naming lahat. Andoon na sila Papa Jake, Mama Sophia, Kuya Daryl at ang aming bunso na si Dimple.
Goood morning Pilipinas!!! Eto ang madalas kung pang umaga na bati sa pamilya ko... Ako si Darleen Gatchalian, 18 years old pangalawa sa panganay at isang Nursing student sa kilalang university sa manila.
Good morning duet na bati ng pamilya ko, isang pamilya na simple at masaya, pamilyang kahit may kaya sa buhay ay di nakakalimot tumulong sa mga nangangailangan.
Ngunit isang trahedya ang di inaasahan ng buong pamilya ko at ni sa panaginip ay ayaw kong isipin...
Oh! Darleen anak kumain ka na para sabay-sabay na tayong umalis baka maipit tau sa traffic sa Lepanto.
Mama easy ka lang maaga pa naman tsaka magaling na driver si papa!!! Dba dba Pa!
Hahahaha ang tawa ni Jake naku binola nanaman ako ng napakaganda kong anak, sige na at bilisan ninyo na para maka-alis na tayo. Tumayo na ko para lumabas at maiayos na ang CROSSWIND.
Hinabol ko pa ng tingin si papa palabas ng kusina ng bahay...Nailigpit na namin ni kuya Daryl ang pinagkainan namin at sabay-sabay na kaming umalis ng bahay...
A/N:
plz vote and comment kung ok po ba ang unang part ng story ko!!!!!
Salamat po!!!!!
BINABASA MO ANG
SAPI
HorrorAng mundo natin ay puno ng hiwaga at kababalaghan, marami ang di makaunawa o di maintindhan ang bawat pangyayari sa ating buhay. May pangyayari na di siyensya ang makakasagot sa bawat hiwaga na nangyayari sa atin, tanging ang DIYOS lang ang makasasa...