THE PRAYER

1.2K 35 0
                                    

Darleen POV

Nakasakay na ko sa kotse nila Melissa,
Di ako  makapaniwala sa mga nangyari kanina parang isang scene sa horror movie ang mga pangyayari.

Napatingin ako sa kasama kong si mang Oscar tahimik lang at parang ang lalim ng iniisip.

Napabuntung hininga ako na ikinatingin nya...

May problema ba iha? Sabi ni mang Oscar...

Nahihiwagaan po kasi ako alam kong demonyo yung sumapi kay Ate Maya, hindi natin basta-basta mapapa-alis yun sa simpleng dasal na ginawa natin.

Tama ka Darleen kaya ganito ako katahimik dahil noong binata pa ko isang obispo ang nakapagpalayas sa demonyong sumapi sa pinsan ko. At grabe ang hirap na pinagdaanan ng obispo na yun.

Ang kinakatakot ko kung kanino siya muling sasapi parang kumukuha lang ng tiyempo na makakuha muli ng sasapian....

Wag na muna natin pagusapan yun Mang Oscar ang isipin na lang natin nakaligtas ang buong pamilya nila Melissa.

Napangiti at tumango na lamang si Mang Oscar...

Nakarating naman kami ng safe sa bahay, nagpasalamat at binilinan ko si Mang Oscar na mag-ingat sa pagddrive.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay nakita ko sila Dimple at Kuya Daryl na nag-aaral sa salas. Umupo ako sa sopa na parang pagod na pagod ako dahil sa mga nangyari.

Ate! Bakit? Pagod ka ba? Gusto mo ba ng juice at sandwich ikukuha kita sabi ng aking bunsong kapatid.

Wag na bunso! Ok lang si ate sige na at mag-aral ka na, akyat lang ako para magpalit ng damit.

Kuya! Sila mama at papa ba andyan na?

Oo! Nasa kuwarto lang inaantay ka lang namin para sabay-sabay na tayong kumain ng hapunan.

Sige kuya magbibihis lang ako at kakatukin  ko na din sila mama at papa para makakain na tayo.

Umakyat na ko papuntang kuwarto ko. Habang nagpapalit ako ng damit umihip ang napakalamig na hangin, di ko alam pero kinilabutan talaga ako pakiramdam ko may kasama ako sa kuwarto. Dali-dali akong lumabas sa kuwarto.

Para lang manghilakbot sa aking nakita!!!!

Isang nilalang na mapula, may sungay at buntot.
Nanuyo ang lalamunan ko at di ako makagalaw... ni hindi ako makasigaw ang tanging nasabi ko sa pamamagitan ng aking isip ay
IN JESUS NAME, IN JESUS NAME LEAVE ME ALONE .

Nawala ang hangin na mabigat sa pakiramdam, unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at wala na siya.

Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa dining room, nagtataka silang lahat na napatingin sa akin.

Anak! What happen? Bakit ka namumutla at pinagpapawisan sabi ni mama.

Ah! Eh!mama wala po ito wag na po ninyo akong pansinin kumain na po tayo. bunso kaw mag lead ng prayer sabi ko kay Dimple.

Pero yung tingin nila papa at kuya na nagtataka ay di mawala-wala.

Ah! Darleen kamusta nga pala lakad ninyo ni Mel? Tanong ni kuya.

Ok! Naman kuya nakuha naman namin sa dasal si ate Ma....ya natututop ko ang bibig ko dahil na sabi ko yung di dapat sabihin.

Anong sabi mo Darleen...tumayo na si Papa at lumapit sa akin. Anong dasal ha? Darleen may di ka ata sinasabi sa amin?

Ah! Pa! Kain na muna tayo mamaya ikukuwento ko sa inyo ang lahat please Papa gutom na ko eh!!!

Sige pagtapos kumain mag-uusap tayo.

Naglead ng prayer si Dimple at nagsimula na kaming kumain, patay ako nito paano ko ipapaliwanag ng maayos kina Papa at Mama yung mga nangyari.

Natapos na kaming kumain niligpit na ni Yaya Laila ang pinagkainan namin.

Darleen anak sabi ni  Yaya Laila...bakit po Ya!

Ah! eh! Mag-iingat ka anak may kakaiba akong nararamdaman sayo di ko lang alam kung ano ito.
Lagi kang magdadasal ha...wag mong kalimutan yung bilin ko iha.

Naguguluhan man ako sa sinasabi ni Yaya. Niyakap ko siya at nagpasalamat.

Siya sige na at kakausapin ka pa ata nila ate at kuya.

Nagpaalam na ko kay Yaya.
At pumunta na sa living room.
Andun na silang lahat at nag-aantay na sa aking mga paliwanag.

Ikinuwento ko lahat ng nangyari kanina sa bahay nila Melissa.

Anak sabi ni Mama bago tayong lahat matulog magdasal na muna tayo ha.

Nagpunta kami sa Prayer Room!
Ng aking buong pamilya. At nagdasal ng gabing yun.
Ipinagdasal ko din ang aming kaligtasan.
Sana maging payapa ang gabi naming lahat...



A /N:

Salamat po muli sa patuloy na pagbabasa...

comment at vote plz

SAPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon