A/N:
Sorry at mEdyo na tatagalan ang pag-update ang bagal kasi ng net sa pep0n coh tpoz lagi din nagloloko ang wattpad. Yung akala ko na nasave hndi pala.
Anywayz thank u xa pag-aantay sana wag kay0ng magsawa xa pagbabasa...
letz start this chapter....DARLEEN POV
Nasa bahay na kaming lahat, naghanda na sila ng makakain para sa hapunan nag-paalam ako na magpapahinga inilipat na muna nila ang aking kuwarto sa ibaba para di ako mahirapan habang di pa ako nakakalakad.
Pag-kapasok ko sa kuwarto at lumipat sa kama, para maupo tumunog ang cellphone ko, pangalan ni Melissa ang nakita ko.
Hello! Bezshy napatawag ka tanong ko kay Melissa.
Bezshy! Di ako mapakali kasi gusto ko matulog diyan sa inyo puwede ba?
Napangiti ako sobrang mahal talaga ako ng bestfriend ko, suwerte ko kasi di lang sa saya at kalokohan ko siya kasama maging sa kalungkutan at sa mga pagsubok. Kaya mahal na mahal ko din siya.
Okei bezshy dito ka na matulog. wait kita ha....
Okei bezshy see you later.
Pagkababa ko ng cellphone, may usok nanaman akong nakikita at medyo maitim ito.
Tinawag ko si Lola para makita niya ang usok....
Lola! Lola! Lola dali kayo, dahil nakikita niya kumakapal na ang itim na usok. Umusog siya para di mausukan ang mga paa niya..'
Lola! Lola!
Lolo! LoloTulungan po ninyo ako !!! Naiiyak na ako pero wala atang nakakarinig. Naalala niyang tawagan si Tito Benjie niya.
Nagriring na ang cellphone ni Tito sa isip ko. Tito please sagutin muna.
Samantalang nag-uusap usap sila sa garden ng mapalingon si Ellen, napakunot noo siya at tinapik si Benjie.
Tay! Si Darleen tumatawag, kinuha niya ang cellphone para sagutin.
Darleen may kailangan ka ba? Naalarma siya ng umiiyak at nanginginig ang boses ni Darleen.
Tito help please help pumunta kayo dito sa kuwarto ko.
Pinutol na niya ang tawag at tumakbo at tinawag ang anak na lalake na si Jay. Nagtatakang sumunod silang lahat ng makita ang pag-aalala sa mukha ni Benjie.
Nasa bukana pa lang sila ng pintuan ay narinig na nila na umiiyak si Darleen.
Lumapit si Jay sa pintuan pero di niya mabuksan...
Hey! Couz open the door.
Kuya Jay! Di naka-lock ang pintuan tulungan ninyo ako please natatakot na ko.
Napansin ni Yaya Laila na may usok na itim na lumalabas sa may pintuan ng kuwarto ni Darleen.
Benjie may usok na itim, baka may nasusunog sa loob sabi ni Yaya Laila.
Tumakbo c Jay sa labas para makuha yung palakol na nakita niya sa garden.
Lalo ng lumakas ang iyak ni Darleen dahil napupuno ng usok ang kuwarto niya.
Narinig niya na nagkakagulo ang mga tao sa labas ng kuwarto niya.
May nakita siya na parang anino na hugis demonyo ang usok nataranta na siyang lalo...ng makita niya na palapit ito sa kanya...'
BINABASA MO ANG
SAPI
HorrorAng mundo natin ay puno ng hiwaga at kababalaghan, marami ang di makaunawa o di maintindhan ang bawat pangyayari sa ating buhay. May pangyayari na di siyensya ang makakasagot sa bawat hiwaga na nangyayari sa atin, tanging ang DIYOS lang ang makasasa...