Thank you po muli sa votes sana po may magc0mment po kung an0 po ba ang masasabi ninyo sa kuwento na ito salamuch p0h O(∩_∩)O
Ang paniniwala sa Diyos at pagtanggap sa kanya bilang tagpagligtas mo ay napakalaking bagay upang hindi tayo magapi ng kalaban.
Ano nga ba ang mangyayari sa atin kapag tinalikuran natin ang ating tanging kakampi at tagapagligtas?
Sa lahat ng pangyayari sa buhay natin ito man ay masaya at malungkot kailanman hindi hinangad ng ating Diyos ang masaktan at may mamatay.
Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran, ngunit sa sandaling tinawag natin ang kanyang pangalan andiyan pa din siya para tayo ay tulungan.Sino ka? Asan si Darleen? Anong ginawa mo sa pamangkin ko sabi ni Benjie.
Akmang lalapit si Darleen pero mabilis na winisikan siya ni Jay ng holy water na nagpasigaw sa kanya....
Ahh! Ahh! Ahh! Ahh! Ahh! Ahh!
Tay! Hindi si Darleen yan umuusok ang katawan niya... naramdaman na nila ang lakas ng enerhiya ng kalaban dahil sa paglakas ng hangin at paglipad ng mga gamit sa paligid.
Ha!ha!ha!ha!ha!ha! Yan lang ba ang kaya ninyo? Malaking boses ang tinig na lumalabas sa bibig ni Darleen.
Sige pa! Ha!ha!ha! Saktan pa ninyo ako dahil ang katawan ni Darleen ang masasaktan ng husto....ganito ba ang gusto ninyo mangyari kay Darleen, pinaikot ng demonyo ang katawan ni Darleen at hinampas-hampas sa pader.
Tama! Na wag mong saktan ang pinsan ko. Ano ang kailangan mo sa kanya.
Ang kaluluwa niya, sinabi ko na sa kanya na sa oras na bumalik ako siya ang magiging kapalit. At dahil itinakwil na niya ang kinikilala ninyong Diyos, ako na ang magmamay-ari ng kaluluwa niya ha!ha!ha!ha! Babalik ako sa oras at araw na gustuhin ko walang makakapigil sa akin ha!ha!ha!ha!ha!
Biglang nawala ang napakalakas na hangin at nahulog sa lapag ang walang malay na katawan ni Darleen.
Nang makita ng lahat ang nangyari nagtakbuhan sila para lapitan si Darleen...
Diyos ko! Ang apo ko iyak ni Lola Carmen, napahagulgol din sila Ellen, Yaya Laila, Melissa,Natalia at Izabella.
Galit galit naman ang tatlong lalaki dahil hndi nila alam ang gagawin nila.
Binuhat na ni Jay ang pinsan niya para dalhin muli sa kuwarto. Awang-awa siya ng makita na puro paso at sugat ang katawan nito.
Nang ihiga na ni Jay si Darleen nagulat siya dahil biglang nagmulat ang mata niya pero puro puti lang at umiikot-ikot ng mabilis. Sabay sakal sa kanya ahh! Ahh! Ahh! Bitiwan mo ko Demonyo ka! Nahihirapan na kong huminga ito na ba ang katapusan ko...naalala ko yung rosaryo na pinabendisyunan ko, kinapa ko ang pantalon ko at ng makuha ko ito itinapat ko sa mukha niya kahit nanghihina ako. Nag-usal ako ng alam
Kong dasal...Our father in heaven holy be your name your kingdom come thy will be done on earth. Habang nagdadasal ako sumabay pa ang demonyo sa pagdadasal ko at ang mukha ni Darleen ay nagiging isang pangit na nilalang... ahhh ahhh ahhh
![](https://img.wattpad.com/cover/25661476-288-k326981.jpg)
BINABASA MO ANG
SAPI
HorrorAng mundo natin ay puno ng hiwaga at kababalaghan, marami ang di makaunawa o di maintindhan ang bawat pangyayari sa ating buhay. May pangyayari na di siyensya ang makakasagot sa bawat hiwaga na nangyayari sa atin, tanging ang DIYOS lang ang makasasa...