HULING PAMAMAALAM

1.2K 30 3
                                    

Habang binabagtas namin ang papunta sa bahay namin...muli kong naalala ang lahat ng masasayang pangyayari na kasama ko ang pamilya ko di ko mapigilan ang maiyak. Napakasakit parang pati ako ay namatay na sa mga nangyari.

Natigil ang aking pag-iisip ng huminto ang van na sinasakyan namin. Nilingon ako ni Lola at ginagap ang aking mga kamay.

Tatagan mo ang iyong sarili apo, tumango ako bilang pagtugon.

Ibinaba ni Tito Benjie ang aking wheelchair at kinarga ako para iupo dun. Tinutulak na ko ni Tito papasok sa aming tahanan, parang naninikip ang aking dibdib at bumibigat ang aking pakiramdam di ko maisip bakit sa pamilya ko nangyari ang lahat ng ito.

Pag-angat ng aking ulo, niyakap ako ni yaya Laila! Anak tatagan mo ang loob mo ha! Andito lang ako para alagaan ka..

Sumunod sina Tita Ellen na asawa ni Tito Benjie at ang mga pinsan ko na sina Ate Natalia, Kuya Jay at si Izabella. Lahat sila ay umiiyak na lumapit at yumakap sa akin tanda ng Pakikiramay at pakikidalamhati.

Ang di ko inaasahan na bisita ay ang aking bestfriend at ang pamilya niya.

Yinakap ako ng mahigpit Ni Melissa at ni Ate Maya, ganun din ni Tita Andrea at Tito Sam. Ramdam ko ang pagmamahal ng pamilyang ito sa akin. Maya-maya ay nilapitAn din ako nila Mang Oscar at Mang Carding.

Nagpasalamat ako sa kanilang lahat binigyan nila ako ng espasyo para makalapit sa mga mahal ko sa buhay. Itinulak ni bezshy ang wheelchair ko papunta sa Kabaong ng buo kong pamilya.

Di ko na mapigilan ang humagolgol dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Mama, Papa, Kuya, Bunso bakit iniwan nyo ko, bumangon kayo diyan. Sige na please! Bumangon na kayo diyan. Mama! Papa.

Niyakap ako nila Lolo at Lola lahat sila umiiyak dahil sa pag-iyak ko at pagmamakaawa na bumalik ang buo kong pamilya.

Lumipas pa ang dalawang araw, ang araw na pamamaalam namin ito na yung huli kong makikita silang lahat...

Habang nagmimisa ang pari para sa pamilya ko. Napansin ko na may usok na itim sa ilalim ng kabaong nila Papa, Mama, Kuya at ni Dimple.

Kinalabit ko si Lola at ng lumingon siya sa akin tinuro ko yung usok na nakita ko. Pero wala naman daw siyang nakita. Itinuro ko naman kay Yaya Laila pero ganun din ang sagot niya. Siguro nanlalabo na ang mata ko. Kaya binale wala ko na lang din.

Nasa sementeryo na kami at inilalagak na sa huling hantungan ang pamilya ko. Wala ng luha ang lumabas pa sa aking mga mata.
Manhid na kasi ako, napakunot-noo ako dahil may itim na usok nanaman akong nakikita. Nakakapagtaka bakit ako lang ang nakakakita nito?

Binalewala ko na lang natapos na ang pamamaalam namin sa pamilya ko. Lumapit sa akin sila

Tito Benjie at Tita Ellen...Darleen pinapasbi nila Papa at Mama na umuwi ka muna sa atin sa Batangas, para daw makamove on ka ng mas madali at para na din maalagaan ka namin habang nagpapatheraphy ka. Ipapa-ayos ko kay Ate Laila ang mga gamit mo pag-uwi natin sa bahay nyo.

Tita! Ok lang po ako natanggap ko na po ang lahat wag po kayong mag-alala po sa akin. Ayoko po na maging pabigat po sa inyo nila Lolo at Lola matatanda na din po sila.

Iha! Ano ka ba hindi ka pabigat sa amin obligasyon naming kaanak mo ang alagaan ka sabi ni Tita Ellen.

Pero Tita malaki na po ako ayoko pong maging pabigat pa sa inyo.

Andyan naman po si Yaya Laila.

Wag po kayong mag-alala tatawag-tawag po ako sa inyo.

Oh! Sige mukhang di ka namin mapipilit eh! Gusto ko pa naman sanang alagaan ka.

Salamat po Tita alam ko po na sobrang mahal ninyo po ako. Kailangan ko din po na tumayo sa sarili kong paa.

Ilang minuto pa at umalis na kami sa sementeryo at umuwi na kaming lahat...







MARAMING SALAMAT PO ULIT XA PAGBABASA...

PA VOTE, COMMENT AND SHARE NAMAN PO NG AKING STORYA.....


SALAMAT PO!!!!!!*^o^*

SAPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon