Sapi (The Beginning)

1.2K 33 9
                                    

THANK YOU PO SA NAGTITIYAGA NA MAGBASA PO NITO....

ENJOY READING (*^__^*)

Umalis na si Aling Ising at kahit na medyo kinakabahan ako sa puwedeng mangyari sa pinsan ko kailangan pa din na masabi ko kina Tatay at Nanay para maipaliwanag din nila maigi kina Lolo at Lola.

Nagriring ang cellphone ko inilabas ko ito sa bulsa ng pantalon ko. Pagkita ko ng pangalan ni Tatay agad ko itong sinagot.

Hello Tay! (pabul0ng) bakit po kayo napatawag? Tan0ng ko pa.

Asan ka bang lintek na bata ka? Pasigaw ni Tatay.

Tay! Wag kang sumigaw naririnig naman po kita. Mamaya ko na lang po Ipapaliwanag lahat kapag nasa bahay na ko. Tay baka puwede ikaw na muna ang sumama kina Darleen. Masama lang po talaga lagay ng tiyan ko.

Kaya pala hanap ng hanap ang pinsan mo sayo kasi nagmamarakulyo ang tiyan mo, ha!ha!ha!ha!

Makatawa ka naman diyan Tay wagas  parang wala ng bukas ah? Asar ito si Tatay.

Sige na at makipagmeeting ka na muna diyan kay Mang Doro ha! Ha!ha!

Pinatay ko na ang cellphone ko at  inantay ko na dumating si Tatay para makauwi na ko. Wala pang 30 minutes nakita ko ng dumating si Tatay at isinakay na ang pinsan ko at ang kaibigan niya. Nang makalayo na sila dali-dali akong pumunta sa van namin. Pero bago ako umuwi bumili ako ng 6 na rosaryo at pinabendisyunan ko ito.  Humingi din ako ng Holy Water sa simbahan.

Habang pauwi ako sa bahay iniisip ko kung paan0 ko sasabihin sa kanila ang aking natuklasan.

Samantalang sa sasakyan ni Benjie ay ipinaliwanag niya kina Darleen at Melissa kung bakit di nakabalik si Jay.

Darleen, pasensya na daw kung iniwan kayo ni Kuya Jay mo, nagmamarakulyo kasi ang tiyan niya at ayaw daw niyang maabutan sa daan kaya umuwi na siya.

Natawa kami ni Melissa sa paliwanag ni Tito Benjie kaya pala nawala na parang bula kasi nagloloko ang tiyan niya.

Ha!ha!ha!ha!ha! Ang tawa namin ni Melissa, nagkanda-pilipit kami sa kakatawa.

Ngunit napalis ang ngiti ko sa mga labi ng makita ko sa rear mirror (tama ba yung spelling?) Ang nilalang na kinakatakutan ko. Bakit kasama namin siya... Kinusot ko ang mga mata ko baka namamalikmata lang ako. Ipinilig ko ang aking mga ulo at ipinikit ng madiin. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Hay! Salamat wala na siya...napabuntunghinanga ako, kaya napaling0n sila Tito at Melissa na may pagtataka...

Bezshy bakit? May problema ba?

Ha! Eh! Wala wala wala naman.

Sigurado ka ba Darleen?

Opo! Tito wala po ito.

Nag-iwas na ko ng tingin at nagdesisy0n na umuwi na lang kami.

Tito okei lang po ba na umuwi na tayo bigla pong sumama ang pakiramdam ko.

Okei sige! Pero di pa naililiko ni Tito ang kotse namin nakita ko nanaman yung nilalang na biglang sumalubong sa amin....umilag ako ahhhhh sigaw ko, na ikinabigla at napapreno si Tito Benjie.

Darleen! Sigaw nila Tito at Melissa.

My God! Darleen an0 bang problema mo? Galit na sabi ni Melissa, alam mo bang muntik na tay0ng madisgrasya.

SAPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon