Lumipas ang anim na buwan simula ng mangyari ang pagsapi kay Ate Maya, umuwi ng London ang buong Pamilya ni Melissa.
Sembreak namin nila kuya kaya naisipan nina mama at papa na magbakasyon kaming lahat sa San Juan Batangas kung saan lumaki si Papa Jake...
Masaya kaming lahat excited kasi makikita namin sila Lolo at Lola mga Tito at Tita pati na din ang mga Pinsan namin.
Masaya kaming nagkakantahan at nagkukulitan. Sa kapaguran nakatulog kami ng mga kapatid ko at ang huli kong nakita bago ako pumikit ay ang magulang ko na magkahawak kamay at nakangiti...
Nangmagmulat ako ng mata madilim ang paligid. Asan ako? Bakit madilim, Mama, Papa, Kuya Daryl, Dimple asan kayo.....
Di ko alam kung nananaginip ba ko o totoo ito? Asan ako? Asan ang pamilya ko?Biglang humangin ng malakas at isang halakhak na nakakakilabot at nakakatakot ang aking narinig... nakiramdam ako kung saan nanggagaling ang tawa na yun.
HA!HA!HA!HA!HA!HA!HA!
MAGIGING AKIN KA! AKIN! AKIN! AKIN! HA!HA!HA!HA!HA!
Nakakatakot!!!! Naiiyak na ko dahil hanggang ngayon di ko alam kung asan ako at na saan ang pamilya ko...
Tapos may parang malakas na puwersa na humigop sa akin at nakita ko na lang ang napakaliwanag na lugar, payapa at mararamdaman mo ang gaang sa pakiramdam.
Nakarinig ako ng mga munting tinig ano yun?
Darleen iha gumising ka na parang awa muna apo, bumalik ka na sa amin.Darleen si Tito Benjie ito pamangkin ko gumising ka na please!
Ang daming boses ahhhh tama na! Tama na! Tama na! Kailangan kong gumising pero alam kong nakatulog ako pero bakit umiyak sila Tito at Lola bakit?
PANGINOON JESUS TULUNGAN NYO PO AKO NA MAKABALIK SA LUGAR NA NARARAPAT PARA SA AKIN. AMEN!!!
At biglang may liwanag muli akong nakita at mula doon may kung anong puwersa muli ang humatak sa akin pabalik sa kung saan...
Tiit...tiit..tiit...tiit...tiit...tiit...
Unti- unti kong iminulat muli ang aking mga mata. Puting kisame, puti din ang buong paligid...
Asan ako? Tinignan ko muli ang paligid naka-cast ang kanan braso ko, di ko maigalaw ang mga hita at binti ko anong nangyari sa akin...
Bakit andito ako sa ospital asan sila Mama at Papa at mga kapatid ko?Biglang bumukas ang pintuan sa aking paanan. At iniluwa ang aking Lolo at Lola kasama ang aking Tito Benjie ang kakambal ng Papa ko...
Oh! My God Darleen ang apo ko Benjie tumawag ka ng doktor Gising na ang apo ko.
Naguguluhan ako bakit? Bakit ganito sila kasaya ng magising ako?
Lola Carmen! Ano po bang nangyari bakit di ko maigalaw ang mga binti ko?Iha! Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo, antayin natin ang doktor na tumitingin sayo.
Bumukas muli ang pintuan at iniluwa nito ang isang napakaguwapo at napakakisig na doktor kasama ang aking Tito.
Lola Carmen gising na pala ang napaka-ganda kong pasyente.
Nakangiti siya ng lumapit sa akin. Pinulsuhan ako tapos tinignan ung papel na nakasabit sa paanan ng kama ko.
Lola Carmen, saad nito its a miracle na nagising siya sa pagkacomatose, napakabisa talaga ng pagdadasal ninyo. After 1 week na walang anuman magiging problema puwede na siya
i- discharge. Sa ngayon kailangan niyang maitheraphy para macheck natin kung makakalakad pa siya ng maayos. Magpahinga ka na muna para makabawi ka ng lakas Ms. Gatchalian.Sige po lalabas na po ako para makapag-usap na kayo at makapag-pahinga.
Salamat dok! Wika ng Lolo ko.
Pagkalabas ng doktor hinarap na ko nila Lolo at Lola. Si Tito Benjie parang balisa at palakad-lakad di ko sila maintindihan pero may kabang namumuo sa aking dibdib.
Is there something wrong? tanong ko? Si Lolo Luis ang sumagot sa akin.
Darleen! Apo two weeks kang comatose malaking himala na nagising ka sa trahedyang sinapit ng buo mong pamilya. Halos mawalan na kami ng pag-asa umiiyak na sila.
Teka lang Lolo bakit? Anong trahedya ang sinasabi nyo? Masaya kaming lahat ng umalis at papunta sa inyo ang huli kong natatandaan natulog kmi nila dimple.
Apo wag ka sanang mabibigla ha! Yung sasakyan nyo ay nabangga sa isang truck ang sabi sa imbestigasyon parang nakatulog ang Papa mo sa pagmamaneho kaya ng magmulat muli ang mata niya huli na para makailag ang sinasakyan nyo.
Tanging ikaw lang ang nabuhay sa inyo umiiyak na kuwento ni Lolo Luis.
Sa mga oras na yun parang namanhid ang buo kong katawan at nanlaki ang ulo ko ayaw magsink in sa isip ko yung mga sinabi ni Lolo.
Hindi! Hindi totoo yan lolo sabihin nyo sa akin na niloloko nyo lang ako umiiyak ako, sabihin nyo sa akin saang room naka-confine sina mama at papa sila dimple at kuya
Lolo saan room! Sigaw ko
Pero di sila tumitinag umiiyak sila. Dalhin ninyo ako kung asan sila.
Niyakap na nila ako... Darleen wala na sila!!!! wala na silang lahat napakahirap man tanggapin hindi na natin maibabalik pa ang buhay nila sabi ni Tito Benjie.
Hindi ko kaya ito paano na ko... paano na ko mama, papa, kuya at dimple bumalik kayo please...
Andito lang kami Darleen di ka namin pababayaan, andito lang kami.
Pinakalma nila ako at nakiusap na magpahinga muna ako at para makapunta kami sa burol ng mga mahal ko sa buhay.
Pinahiga ako ni Lola at inayos ang kumot ko. Hinalikan niya ako sa noo at umupo sa tabi ko.
Di ako makatulog...nagtatanong ako sa Diyos bakit ako at ang pamilya ko ang pinaparusahan niya mababait naman kaming lahat. Lahat ng utos niya ay sinusunod naman namin pero bakit ang lupit ng Diyos ang tanging kayamanan ko sa buhay ay kinuha pa niya.
Dahil sa lalim ng aking iniisip nakatulog pala ako. Nagising ako na may umiiyak. Hinanap ko kung san nanggagaling yung pag-iyak. Asan ba kasi ako bakit napakatahimik at madilim ang paligid.
Nakita ko na sila teka sina mama at papa, dimple at kuya sabi ko na at buhay pa sila.
Tumakbo ako sa kanilang direksyon mama, papa kuya, dimple andito lang pala kayo. Salamat at buhay din pala kayo.
Pero di nila ako kinikibo, tahimik lang sila maya-maya tumawa sila yung tawa na napakapamilyar sa pandinig ko.
HA!HA!HA!HA!HA!HA!HA!
AKIN KA LANG, AKIN KA LANG
Yun ang paulit-ulit na sinasabi nila ang mukha nila nakakatakot biyak ang mukha, labas ang bituka. Bali ang mga buto at ang pinaka-nakakatakot parang gusto nila akong patayin.
WAG! WAG! AYOKO SUMAMA SA INYO WAG! WAG!WAAAAG!
Darleen gumising ka! Darleen gumising ka!
Niyugyog ako ni Tito Benjie, Darleen....
Tito! Tito wag mo kong ibibigay sa kanila... Ssshhh wag kang matakot panaginip lang yun andito lang si Tito. Yakap- yakap niya ako.
Maya-maya lang ay bumitaw siya sa akin at kumuha ng maiinom ko. Oh! Heto uminom ka muna ng tubig para mahimasmasan ka. Parating na sila Mama at Papa kumuha sila damit at pagkain mo.
Tama na ha! Wag ka ng matakot andito lang si Tito okei...
Dumating na sila Lola at Lolo at pinagpaalam na muna ako sa Doktor ko para makita ko sa huling pagkakataon ang pamilya ko.
Pumayag naman at nagbilin na bumalik sa araw ng theraphy ko.
Salamat po muli sa walang sawang pagbabasa ng SAPI.
See you at d nxt page!!!!*^o^*
BINABASA MO ANG
SAPI
HorrorAng mundo natin ay puno ng hiwaga at kababalaghan, marami ang di makaunawa o di maintindhan ang bawat pangyayari sa ating buhay. May pangyayari na di siyensya ang makakasagot sa bawat hiwaga na nangyayari sa atin, tanging ang DIYOS lang ang makasasa...