NEW LIFE (FINALE)

1K 29 7
                                    


Eto na po ang last chapter ng Sapi
Sana po ay nagenjoy po kayo sa story na e2.

Di man naging maganda ang  nangyari sa buhay ni Darleen, nagpapasalamat pa din siya dahil namulat siya sa katotohanan na di lahat ng bagay ay permanente. Dahil kapag oras muna handa ka man o hindi wala ka ng magagawa.

Nakangiti siya sa harap ng puntod ni Melissa at nagsalita ng pasasalamat.

Bezshy! Alam kong masaya ka na sa piling nila Mama at Papa pati na ni God.
Salamat Bezshy sa pagsasakripisyo mo ng iyong buhay para mailigtas ako. Salamat ng marami Bezshy. Wag kang mag-alala di ko sasayangin ang second life na binigay mo para sa akin. Nalulungkot man ako dahil wala na kayo, pero alam kong matatahimik na kayo dahil nasa maayos na ako. MAHAL NA MAHAL KO KAYO.

Dumampi sa mukha ni Darleen ang napaka-lamig na hangin. Alam ko bezshy na ikaw yan Salamat talaga umiiyak na sabi ni Darleen.

Lumapit na si Jay sa pinsan niya para yayain ng umuwi, pinauna na niya ito sa sasakyan.

Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagsalita sa puntod ni Melissa ang kaisa-isang babae na aking lihim na minahal. Oo lihim kasi nahihiya ako sa iisipin sa akin ni Darleen. Alam niya kasi madami akong girlfriend pero si Melissa lang talaga ang minahal niya, simula noong highschool pa sila ni Darleen, sayang nga lamang at kung kailan handa na siyang magsabi ay dumating ang trahedya na di namin inaasahan.

Melissa! Mahal ko, baunin mo ang pagmamahal ko sayo diyan sa kabilang buhay, kailanman ay hinding-hindi kita makakalimutan. Paalam aking Prinsesa, Mahal na Mahal kita.

May dumamping hangin sa akin mukha at alam kong halik ni Melissa yun.

Umalis kami sa sementeryong lahat baon ang mga alala ng mga mahal namin sa buhay.

Makalipas ang 6 na taon, nakabalik na si Darleen ng Pilipinas kasama ang fiancee niya na Italyano, dito niya balak magpakasal.

Tuwang-tuwa ang pamilya niya at sila Yaya Laila at Yaya Ising, yes kinuha ko at isinama pabalik ng manila si Nanay Ising dahil wala naman na siyang kamag-anak... at wala din makakasama si Yaya Laila.

Dumating sila Lolo at Lola na parang di tumatanda, kasama sina Tito Benjie at Tita Ellen. Si Ate Natalia kasama ang guwapo niyang Asawa na si Kuya Matthew at ang cute na cute na baby na si Melissa. Si Izabella naman ay nag-rereview naman para sa Bar Exam nila at ang pinaka-guwapo kong pinsan na si Fr. Jay Gatchalian yes po nagpari po siya ng mamatay si Bezshy Melissa.

MADAMI MANG PAGSUBOK ANG PINAGDAANAN KO, NAGING MAHINA AKO PERO SA TULONG NG MGA MAHAL KO SA BUHAY, NAPAGTAGUMPAYAN KO ANG LAHAT NG PAGSUBOK.

IKAW GAANO KATATAG ANG PANANAMPALATAYA MO KAY HESUS?

ANG PAG-IBIG NG DIYOS SA ATIN AY WALANG KAPANTAY...MANALIG AT MANAMPALATAYA LAMANG TAYO SA KANYA HINDING-HINDI TAYO MAGAGAPI NG KADILIMAN...

MARAMING SALAMAT PO!!!!!!

ACOH SI NAHLYNE O(∩_∩)O

SAPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon