Ito na po ang pinakahihîntay natin, the battle between the good and the bad..... Maaari kayang plano ni Melissa ay makatulong para sa kaligtasan ni Darleen? Letz continue the battle...
Enjoy reading (*^__^*)
Wala na kong paki kung mamatay ako ang importante masagip namin, ang bestfriend ko. Habang nasa kama ako biglang umangat ang kama ng mga dalawang metro, at gumalaw-galaw ito. Nakita ko na papalapit sa akin yung Nemesis na pangalan na sumapi sa bestfriend ko, kahit na may takot na namumuo sa dibdib ko, tinapangan ko ang sarili ko, hindi ang demonyong ito ang babawi ng buhay naming lahat.
Matapang ka na ba Melissa? Napakalaking boses na nagsalita ang Nemesis na yun.
Wala kang pakialam kung matapang na ko, galit na sabi ko. Nagulat ako ng mag-iba ng itsura ang demonyo.
Bezshy! Tulungan mo ko, ayoko sa lugar na ito. Ayoko sa impiyerno, tulungan mo ko bezshy.
Nakita ko ang malungkot na mukha ng bestfriend ko, nakaka-awa ang lagay niya. Napaiyak ako dahil nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya.
Mahal mo ko di ba bezshy?, samahan mo ko dito, malungkot ang mag-isa, halika bezshy samahan mo ako.
Lalapit na ko sa kanya, ngunit biglang may nagwisik ng tubig sa paahan ko dahilan para mapatingin ako, wag kang magpalinlang Melissa, wika ni Aling Ising tignan mo ang kaharap mo?
Nagulat ako ng pagtingin ko ay ang demonyô pala ang kausap ko. Biglang tumaas at umikot ng umikot ang kama na kinalalagyan ko. Di ko malaman kung saan ako kakapit para lang wag mahulog...
Kumapit ka ng maigi Ate Melissa sabi ni Izabella.
Tay! Ano po ba ang dapat natin gawin para matigil na ang pang-gugulo ng masamang espiritu na yan sabi ni Natalia.
Hindi! Ko pa alam anak! Wala na kong maisip na mabisang paraan para matulungan ang pinsan mo.
Aling Ising! Ano pa po ba ang dapat nating gawin, paano natin mababawi si Darleen sa demonyong yan sabi naman ni Ellen.
Kailangan magbalik loob si Darleen sa Diyos dahil yun, lang ang paraan para makaligtas siya.
Napasigaw si Yaya Laîla dahil nakita niya na nakabaliktad na ang kama at si Melissa ay nakalambitin konting-konti na lang ay maaaring malaglag sa semento si Melissa.
Naghanap si Lolo Luis ng maaaring pansalo kung sakaling malaglag si Melissa, nakita ni lolo yung sofa bed sa gilid ng aparador kinuha niya at itinulak papunta sa puwesto ni Melissa.
Melissa! Apo bitawan mo na yang hawak mo baka malaglag ka diyan humakaw ka ng mabuti.
Umikot nanaman ang kama na parang roleta...tuwang-tuwa naman ang dem0ny0ng si Nemesis.

BINABASA MO ANG
SAPI
KorkuAng mundo natin ay puno ng hiwaga at kababalaghan, marami ang di makaunawa o di maintindhan ang bawat pangyayari sa ating buhay. May pangyayari na di siyensya ang makakasagot sa bawat hiwaga na nangyayari sa atin, tanging ang DIYOS lang ang makasasa...