Bitter

390 5 0
                                    

Halos buong gabi na ata ume-echo sa utak ko yung mga pinag-usapan namen nila Donellene sa b-day party ni Sally / reunion ng  namen magkaklase ng hs.

Sabi nila magmove on na daw ako ako ako ako ko ko ko(yan ang umeecho sa utak ko)

Ung feeling na kinakausap ko na sarili ko ,na iniimagine ko na nasa event pa rin ako nung sinabi nila sa akin yang BIG WORD NA MAG-MOVE ON KA NA DARIELLE!!!" Na dapat ganito ganyan ang sinabi ko na lang hanggang sa makatulog na ako.

Halos 3am na ako nakatulog sa kakaisip at 7am ang pasok ko sa duty bilang nursing student. Anong oras na ba?!WHATTTT?!!!6AM NA!!!OMG late na koooo!!!!!

Nagmadali na akong magbihis,mabuti na lang at ayos na gamit at uniform ko. Umalis na ko ng bahay at sumakay na sa jeep sa terminal.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Habang nasa byahe sa jeep, may mag-jowang nasa harapan ko. At anong pantritrip ginawa ko? Ganito oooh!!!

"Grade 6 labindalawa na ako

kasing dami na nang boyfriend ko"

Kinakanta ko to sa isip ko  habang nag-scroll sa fb, nakita ko lang sa post .(o diba swak sa kanilang dalawa)

Naiirita na kasi ako sa dalawang mag-jowa sa harap ko habang nasa jeep.

Yung tipong wala na silang ginawa kundi mag-lampungan tsaka mag-landian ng wagas.

Yung feeling na ang hirap-hirap pumila sa cashier sa BSU kasi block buster na pila, yung tinitiis nila ang gutom at pagod at antok nila dahil sa layo ng pinanggalingan nila para makapunta sa BSU makapagbayad lang, yung panis na laway nyo, kasi ubos na pag-uusapan nyong magkakaibigan sa haba ng pila.

Yung feeling na ang mahal mahal ng tuition na binbayad ng nanay mo. Tapos maglalandi ka lang sa skwela.

Punyatera!!!! Ba't di ka na lang magkatulong!!!UWE!!!!GO HOME AND PLANT KAMOWTE!!!!pweh!!

Yan ang nasa isip ko habang pinagmamasdan sila sa kalanturan na ginagawa nila.

Kulang na lang gawing motel tong jeep at paalisin kameng mga pasahero kasi nakakahiya naman sa kanila di ba.

Etong lalaki naman gustong-gusto kasi nakaka-tsansing sya.

 Hay nako mga kabataan talaga ngayon puro pbb teens ang inaatupag manong mag-aral muna dahil mahal tuition.

Ako nga pala si Darielle Ann,18 yrs old, nursing student sa BSU.Maputi na medyo chubby, may pagka-chinita, mabait, NBSB, at medyo mataray sa mga lalaki kasi bitter ako.

Ewan ko ba bat ang bitter ko pag nakakita ako ng mga magjowa na todo pda. Minsan nga gusto ko na silang sukahan sa sobrang nakakaumay na. Yung tipong mag-hoholding hands habang na-uusap, mag-kikiss,mag-aakbayan kahit nasa jeep at masikip.

So anong pinaparating nyo sa pagmamaganda na yan?!

Na WALA AKONG LOVELIFE, NA PANGET AKO, NA WALANG NAGMAMAHAL SA AKIN BUKOD SA KAIBIGAN AT PARENTS KO, GANUN BA HUH?!

Pero sa isang banda iniisip ko na lang na mas maganda ako sa girl, na maputi lang sya na malaki lang ang future nya kaya sya nagustuhan ng jowa nya. Na panget yung guy  kaya okey lang yan. In short pampalubag loob.

Pero minsan naawa ako sa sarili ko kasi walang manliligaw, walang lovelife, napapaligiran ng mga kaibigan na may love life in short NBSB. Pero okey na rin toh Studies first (naks naman studies first, yan ang palusot ng mga NBSB),kaysa naman magaya ako sa ibang mga kabatch ko na maagang nabuntis at iniwan ng jowa.

Tska pano ako magkakaboyfriend e ang sungit-sungit ko nga, napakataray ko pa sa mga lalaki, tska inissnob at sinisimangutan ko sila. Pano kasi feeling ko nan-tri-trip lang sila. Isa pa palang dahilan kung bakit NBSB ako at bitter dahil kay Myron.

Tama na nga 'tong pagmumuni ko at  late na ko sa duty ko sa DR, baka mapagalitan pa ko ng Clinical Instructor ko.

Manong Kapitolyo lang ho, Para po ^_^

Sino kaya si Myron

Abangan

- - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  

Trivia:

Did you know that?!

The size of an adult kidney size is 12cm long,6cm wide, and 3cm thick.The left kidney is higher than right by 1.5-2.0 cm.

Bitter AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon