Darielle's POV

115 4 0
                                    

Darielle's POV:

Nasa canteen kame nila Trina. Kumakain kame ng Cheddar Cheese Cake at umiinom ng buko.

Napagkwentuhan namen yung nangyare kila Myron at sa panghaharana nya kay Alex. Nahurt nga daw yung kapatid nya kya dahil akala nya dinadalaw sya ni Myron yun pala si Alex ang pakay nya kaya sya napadaan sa bahay nila.

Sweet nya noh!!!!May paharana-harana,roses at chocolate pa syang pautot.

Shemayyyyy!!!!nahurt ako naman ako sa kinuwento ni Trina, parang gusto ko rin maki-join sa pagluluksa ni ate Trizzia. Kahit ako masasaktan din kung pang-second choice lang ako na dalawin, na ginawa lang excuse yung pag-bisita sa akin para lang makadalaw sa crush nya. Yung feelinh na 4 years tayong magkaklase at mag-kasama pero mas pinili mo sya at mas inuna mo sya kaysa sa akin.... 

Ha!ha!ha! Teka masyado naman ata akong affected bakit ako ba si ate Trizzia at nasaksaktan ako ng todo para sa kanya?!

(Hinde, affected ka kasi may gusto ka rin kay Myron!!!! Yan ang sabi ng utak ko.)

Umuwi na ko nang bahay....

Masama ang loob ko,kumuha ako ng isang litrong pitcher na may tubig at yelo tska ko tinimplahan ng ice tea at tska ako nag-kulong sa kwarto at nagpakalasing sa kakatoma ng ice tea. Di kasi ako umiinom ng alak kaya ice tea na lang atlease kakulay.

"Bakit?!" Yan ang tanong ko sa sarili ko.

"Bakit sya pa, ba't si na lang ako?!"

"Nandito lang naman ako, umaasa at nag-aantay sa sayo"

"Nag-aantay na mahalin mo at pansinin mo"....

Kinuha ko ulet yung pitcher ng ice tea at nag-salin ulet sa baso. Habang nag-eemo, nagpapatugtog ako ng sad love songs.

"She's everything you want

She's everything you need

She's everything inside of you

That you wish you could be

She says all the right things 

At exactly the right time 

But she means nothing to you and you don't know why..dont know why"

"Hay!!!! Letseng SHE na yan!!! Bakit kasi hindi ako kasing chicks katulad ni Alex, kasing rich kid at kasing talino nya,baka sakaling maging kame o magustuhan nya ko...."

Salin ulit sa baso... Sabay kanta.

"You waiting for someone

To put you together

You're waoting for someone 

To push you away"

"Oo tama, nag-aantay ako na may taong magiging bridge sa aming dalawa para magkatuluyan kame. Ang laki kong tanga,sa kakaantay ko sa taong magiging bridge samen, nakahanap na sya ng taong mamahalin at ako eto NGANGA,NAGSISING ALIPIN, UMAASA SA KANYA.... ALAK PA MORE" mukha lang akong tanga dito sa kwarto na nagfi-feeling lasing kahit ice tea lang naman 'tong iniinom.

"There's always something more you wish he'd say"

"Na sana ako na lang yung babaeng gustuhin nya, kailangan nya, at lahat ng nasa loob at isip nya, ako na lang 'yong babaeng nag-sasabi sa kanya ng tamang gawin kapag kailangan ka nya....."

"Ano bang mali sa akin bakit hindi nya ako mapansin..."

Salin ulit ng ice tea,sabay kuha ng picture ni Myron sa drawer.

Yung picture ni Myron ay binigay ni Donellene kay Darielle. Natagpuan nya yun noong naglinis sila ng mini gym para maging quarters ng scout. Nagta-tapon na kasi sila ng basura at sakto nakita nya ang mga letrato doon ni Myron.

"Bakit ba lagi mo na lang ako sinasaktan?! Di mo ba alam may nag-mamahal sayo ng patago....at AKO yun, pag-absent ka, AKO yung nag-aalala syo kapag may sakit ka o kung bakit ka wala"

"Maski sa pag-meeting ko sa cr ikaw pa rin na-iisip ko. Ikaw ba naisip mo ba ko?! Syempre hindi!"...

Bigla kong nakita sa peripheral view ko yung cd ko ng Crazy Little Things Called Love. Kinuha ko ito sabay hagulgol ng iyak pero kailangan yung hagugol na tahimik baka kasi marinig ng nanay at kapatid ko baka sabihin naaning na ako.

"Isa ka pa Mario Maurer, sabi ko naman sayo antayin mo kong makatapos ng pag-aaral at pupuntahan kita sa Thailand pero hindi mo ko hinintay at nag-girlfriend ka kaagad"...

"Mga walang-hiya kayo ni Myron!!!, from now on di ko na papanoorin ng paulit-ulit yang letseng movie mo na Crazy Little Things Called Love, pati yang Peemak mo at yang korning Suddenly it's Magic"

"Hu, hu, hu, ginawa ko naman ang lahat para maging tayo Mario at Myron, nag-aral akong mabuti, nag-excepted ako sa E.P.,A.P., Filipino at English kahit madaling subject lang yung atleast nag-excepted ako, nagdiet din ako kaso humapdi tyan ko at buong araw nag-vomit ako kaya yun na-admit ako sa ospital, pero atleast pumayat ako kahit papaano. Yung pimples ko pina-derma ko pa para maging kaaya-aya ako sa paningin nyong dalawa kaso wala eh pinagpalit nyo ko.

Di ko napansin ubos na pala ang bote ko ng ice tea ko. Kukuha pa sana ko sa kusina, kaso wag na, tama na, naiihi na ako sa ice tea na yan at di naman nawawala yung pagiging broken hearted ko. Pati si Mario napagdiskitahan ko pa.

Tumingin ako sa salamin, patingin ko natakot ako, akala ko kung sino.....

AKO PALA YUN... mugto na mga mata ko sa kakaiyak, laki na ng eyebags ko pati buhok ko gulo-gulo na. At higit sa lahat 3am na nang umaga.

Kaya mabuti pa itutulog ko na lang ang pagiging BH ko (broken hearted ko) baka sakaling pag-gising ko maging katulad din sana ako ni Nam na nagbalik galing US at nag-reunite sila ni P'shone. At sa huli gusto at inaantay pala sya ni P'shone.

Actually di na crush 'tong nararamdaman ko para sa kanya kundi pag-mamahal na ito. Bakit?

Kapag weeks o days pa lang ang pagka-gusto mo sa isang tao tawag dyan "crush" pero pag-tumagal na yan at umabot na nang months at years "love" na tawag dyan.

Hay!!!!Myron!!!! Dumadae pimples ko sayo lalo at lumalaki mga eyebags ko sayo. Letseng love yan. Naglinis na lang ako ng katawan at sinubukan kong iwaksi sa isip ko si Myron at ang panghaharana nya kay Alex para makatulog na ko.........zzzzzzzzzzzzz

To be continued.....

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Trivia:

Men have more blood than women. Men have 5-6 liters(1.500 gallons), compared to 4-5 liters (0.875 gallons) for women.

Bitter AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon