paano nga ba mag-move on kay crush

516 2 0
                                    

Paano nga ba?

Una sa lahat di mo kailangan mag-move on dahil una di naman kayo, pangalawa wala syang pake sayo,pangatlo ikaw lang ang nakakaalam ng autobiography nya pero ung sayo di nya alam, pang-apat ni b-day mo nga di ka nya binabati sa fb kahit na pinagduduldulan na ng fb na bday mo, kahit tuwing bday nya binabati mo sya nag-aabang ka pa nga ng hating gabi para batiin mo sya,pero ung sayo wa sya care, kiberlaloo sya pang-lima at pang huli one sided love lang yan teh, ikaw lang ang nakaka-alam na may feelings ka para sa kanya.

Kung gusto mo talagang mag-move on sa crush mong ungas na di ka naman napapansin e why dont you improve yourself and be worth it. Bakit di mo pagandahin ang sarili mo. Kung puro ka diggie diggie forever, magpa-derma ka, kung dabianna ka naman magpapayat ka, mag-zumba,mag-taebo,mag-gym. Madae namang paraan kung paano pumayat basta gawin mo wag puro drawing. Baguhin mo din ung jologs mong pananamit, kung manang ka gawin mong stylish. Stylish ha hindi pokpok na pananamit. Syempre mukang desente dapat at mulang karespe-respeto. Kung wala kanh taste sa damit mag-basa ng mga magazines like candy mags, cosmopolitan etc. 

Syempre di lang dapat ang itsura ang iimprove mo syempre pati brain mo dapat iimprove mo. Yup mahirap man pag sabayin ang pagiging maganda at pagiging matalino ay kailangan mo. 

Attractive ang mga lalaki sa mga babaeng matalino. Plus kung maganda ka pa at mayaman ay panalo talaga. Mag-aral ka ng mabuti,magbasa-basa ka para maimprove ang grammar. Mag-basa ng books na english hindi magbasa nh chismiz sa fb at internet. Wag ka masyadong umasa sa internet, mag-proof read. Kung minsan kase ang internet ay mali ang inpormasyon. 

Hayaan mong mag sisi si crush na di ka nya nagustuhan hayaan mong maglaway at pag nasaan ka bwahahahah.

Sunod sa pag-momoving on ay ang hindi pag bati sa kanya ng happy birthday sa araw ng birthday nya sa fb. Bwahahahha syempre bakit noong b-day mo ba naalala ka nyang batiin di ba hindi so ba't mo pa sya babatiin, anong sense ng pagbati sa kanya eh di naman kayo close. Umiwas ka na din sa pag chat sa kanya, pag-kausap pag di ka nya kailangan kausapin. Kung manghihingi sayo ng papel edi snobbin mo sabihin mo para sabihin ko sayo hindi ako producer ng papel at wala akong factory ng papel. May nanay ka naman bat di ka magpabili. Magpaampon ka sa nanay ko letsi!! Hahahha oh di ba nataray mo. 

Minsan kase hudas yang si crush nangagamit ng kahinaan. At ang kahinaan mo ang feelings mo sa kanya. Kaya lahat ng hilingin nyang pabor sayo di ka makahindi baka nga naman may chance. Ui pahingi naman ng papel, peram ballpen,glue,lapis. Di pa yan nakunteto ituturo ka pa nyan sa mga tropa nyan. At ikaw gustong gusto mo naman kase nakakausap mo sya. Bat di mo na lang sabihin na eto bag ko sayo na. Laking paasa di ba?!.

Tska tigil tigilan ang pagiging stalker nya sa fb. Mag-tigil ka sa kakatambay sa wall nya sa fb. Dahil lalo mo lang mare-realize kung bakit mo sya naging crush, ang cute nya pla sa ganitong anggulo, ay may kapatid pala sya hanggang sa buong anggkan ba nila nalaman mo tas hanggang sa malaman mo na ung size ng brief nya sa kakastalk mo. 

Minsan ang pag-iistalk ay mas lalong nakakadagdag sa paglago ng feelings mo kay crush. Lagi mo pa kasing tinitingnan yung mga photos nya sa fb kahit pangit gwapong gwapo ka pa ren. Di ka makakamove on kase maalala mo sya, tatak sa utak mo ung kagwapuhan nya.

Kung may picture ka nya itapon mo na. Utang na loob ilet gooow mow na. If you love someone set him free. Pano ka makakamove on kung di mo sya kayang pakawalan. Kahit picture lang ay di mo magawang ilet go pano pa yung feelings mo sa kanya.

Next ang phone number nya, syempre dahil malandi ka kinuha mo ung phone number nya sa clasamate nya na ifriend mo para sana ilakad ka sa kanya. Pero crush nya din kaya wala kang pag-asa. Por dyos por santo burahin mo na at wag ng itxt. Wait burahin mo nga pero kabisado mo din e di ganun din un. Landi landi buti pa ung number nya kabisado mo pero ung formula sa math di mo makabisado haruy jusko! Kung kinakailangan iuntog mo sarili mo makalimutan mo lang number gawen mo enday!!! Para di mo na saya matxt masasaktan ka lang sa pag-asang rereplayan ka nya. Tapos hu u lang kinikeleg ka na.

Pang-huli hanapin mo lahat ng pangit sa crush mong hudas,pangit ng muka nya mukang babaluuu, mabaho paa nya,pangit sya , hudas, texas barabas sya, may baskil sya, burara, balahura basta lahat ng pangit hanapan mo sya.

Isipin mo na lang may nagmamahal sayo kahit ano ka pa at sino ka man, mahal ka ng nanay,tatay, ate, kuya, lolo,lola,tito,tita, pinsan, mahal ka ng kapamilya at kaibigan mo. Di mo kailangan si crush para may mag-mahal sayo.

Ipag dasal mo kay Lord na bigyan ka ng suitor na mas higit p kay crush. At magpasalamat ka kay lord dahil crush mo lang sya kung syota mo sya baka nagpakamatay ka na sa sakit na nararamaman mo.

Eto lamang ay isang payo mula kay owtor para saga babaeng may severe crush disorder. Iwasan ang pagiging martir at tanga kay crush dahil minsan si crush ay hudas. Bow:-D

Trivia:

kapag naririnig mo ang boses ni crush sa loob ng kwarto ngunit wala naman sya o ikaw lang ang mag-isa baka meron ka ng auditory hallucination o hallucination involving the perception of sounds most commonly voices.

Pag tinatamad kang gumawa ng assignment o di ka makapag decide kung anong tamang sagot sa mga choices baka meron ka na ng abulia or a lack of will or motivation w/c is often to make decision or set goals.

Happy new year guys!!!!

Bitter AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon