CHAPTER 52

3.6K 80 2
                                    

#Gown...

NAGISING ako ng maramdaman ko ang pag galaw ni Leo sa tabi ko , he's hugging me tighter.. kahit tulog sya napakahigpit parin ng yakap nya sa akin.

I know he missed me that much, ganon din naman ako sa kanya.. namiss ko sya ng sobra. Hinay hinay kong kinuha ang braso nya na nakayakap sa akin at dahan dahan din akong umosog palayo sa kanya.. i need to go at Leonel's room, every morning ko kasing pinupuntahan si Leonel sa kwarto nya dahil gusto ko pag mulat nya ay ako agad ang makikita nya.

Glad at hindi naman nagising si Leo kaya agad akong nagbihis ng roba at nagtungo sa kwarto ng anak ko, pagbukas ko ng pinto nakita kong nagtitimpla na ng gatas si Lisly ... agad akong nagtungo sa crib at tulog pa si Leonel, tulog mantika talaga ang anak ko.

Kinuha ko sya mula sa crib nya, ganito kami madalas sa morning .. kukunin ko sya sa crib nya  kahit tulog pa sya at gigising sya at ako ang makikita nya.. napangiti ako at nagtungo sa kwarto ko , dinala ko si Leonel doon at pinahiga ko sya sa tabi ni Leo.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa na natutulog, at tumolo ang isang butil ng luha sa mukha ko na agad ko namang pinunasan.. masarap sa puso, yung makikita mong kompleto ang pamilya mo, ang anak mo at ang taong mahal mo. They are my happiness , my world, and my everything. I cant imagine my life without these two, they're more than special to me.. they're my treasure..

Hinaplos ko ng marahan ang mukha ni Leo , at napangiti. Hindi ko maiwasang titigan lang silang dalawa, para lang silang pinagbiyak.. at talagang lahat sa mukha ni Leonel ay nakuha nya kay Leo.

Hindi ko alam kung saang parte ng katawan ko nagmana si Leonel.. everyone said sa pilik mata ko daw , they're long and black.. para sa akin naman over all kung tignan ang anak ko , kay Leodemar talaga ito nagmana.. sa ama nya.

Napakurap  ako ng gumising na si Leo at nabigla sa nakita nya na nasa gilid nya nakahiga ang anak namin.. at unti unting lumabas ang ngiti nya habang nakatingin sa anak namin, napatitig ako sa mukha ni Leo  na ngiting ngiti, lumabas ang mga biloy nito sa mukha.. oo , pati dimples na mana ni Leonel sa kanya.

" my son .. "

Anas na sabi ni Leo at hinalikan ang noo ng anak namin.. seeing them together , parang may humahaplos sa puso ko .. napakasarap damhin.

" he looks like me , ngayon ko lang sya na titigan ng ganito ka lapit .. "

Wika ni Leo at hinalikan ulit ang noo ni Leonel.

" I'm so happy love , hindi matutumbasan ng kahit ano ang kasiyahan ko ngayon.."

Bakas sa mukha ni Leo ang saya at pagmamahal habang nakangiting matiim na tinitigan ang anak namin na nakahiga sa tabi nya ..

" he's awake .. "

Agad syang bumangon at hindi parin nya nilalayoan ng tingin ang anak namin.. Gumising si Leonel at agad na naglanding ang mga mata nito kay Leo na nasa tabi nya..

" Oh fuck .. my heart, parang nag fi-flip.. "

Sabay hawak nya sa sariling dibdib at pinanlakihan ko sya ng mata dahil nag cuss sya sa harap ng anak namin.

" Leo filter your mouth lalo na at kasama natin si baby .. "

" okay sorry love , hindi ko lang napigilan ang emosyon ko "

Tinignan nyang muli si Leonel na ngayon ay gumapang patungo sa akin..

" I'm sorry baby .. dad has a very bad mouth.. "

Napangiti ako, umusog sya palapit sa amin ni Leonel habang buhat ko na ngayon ito.

" i love you both .. "

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon