Mag-isa akong naglalakad pauwi sa amin, galing kasi ako sa bahay ng kaibigan ko para sa school project namin. 6:00 pm na siguradong nakauwi na sila mama.
Malapit na ako sa amin nang mapansin ko ang mga lalaking lumabas mula sa loob ng bahay namin. Tumakbo ako agad ako sa likod ng isang kotse para doon magtago.
May pagmamadali ang bawat kilos nila. Pagkatapos ay parang mga bula na bigla na lang sila naglaho.
Anong nangyari?
Nasa'n na sila?
T-Teka-- sina mama!
Ang lakas ng tibok ng puso ko habang tumatakbo ako. Dali-dali akong pumasok sa bahay namin. Hindi naman naging mahirap iyon dahil kanina pa nakabukas ang pinto.
"M-Ma, P-Pa?" tawag ko pero walang sumasagot.
Naglakad ako papunta sa may sala.
Para akong naparalisa sa aking kinatatayuan habang nasa harapan ko nakahandusay sa sahig at kapwa nang walang buhay na katawan ng mga magulang ko.
Hindi ako makahinga ng maayos. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa ang sobrang takot at sakit, sumigaw ako.
Pagkatapos ay bigla na lang ako nawalan ng malay.
Iyon ang huling natatandaan ko ng gabing 'yon.
Nagising na lamang ako na nasa ospital. Dumating ang tiyahin ko kinabukasan dahil sa nangyari. Pagkatapos mailibing ng mga magulang ko ay nagpasya ang aking tiyahin na dalhin ako sa probinsya niya.
Kasalukuyan kami ngayon ay lulan ng kotse niya papunta sa probinsya. Di ako umiimik tanging nakamasid lamang sa labas ng bintana.
Dalawang linggo na ang lumipas, pero masakit pa rin at ang mas lalo pang nagpabigat ng loob ko ay ni isa walang naparusahan. Gusto kong maghiganti pero saan ako magsisimula? Wala akong alam na pweding gumawa noon sa parents ko. I felt hopeless.
Makalipas ang ilang oras ng byahe di ko namalayang nakatulog na pala ako, kung hindi pa ako ginising ng tiyahin ko di ko pa malalamang nakarating na kami.
Lumabas ako ng sasakyan at tinignan ang bahay sa aking harapan. Dalawang palapag ito na pininturahan ng light blue. Hindi naman siya pangmayaman ang dating.
Pansin ko nakatirik ang bahay malapit sa gubat. Hindi naman nakakatakot tignan ang gubat, di tulad sa mga horror movie na kapag tinignan mo palang sa malayuan matatakot ka na agad. Saka may nakikita akong ilang tao doon. Nagpi-picnic siguro.
"Nica, tulungan mo ako sa mga bagahi," tawag ng tiyahin ko sa akin. Lumapit naman agad ako sa kaniya at kinuha ang backpack at isang kahon na may laman ng mga gamit ko.
Nagtungo kami sa second floor sa kanang bahagi nito kung saan may dalawang kwarto.
Lumapit kami sa unang kwarto.
"Ito ang magiging kwarto mo," aniya habang binubuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob, it's not that much but I like it. Ito ang aking komento ng makita ko ang loob ng kwarto. "Pagpasensyahan mo muna ito, di ko na masyado naayos. Don't worry sa sunday aayusin natin 'to," sabi niya.Nginitian ko siya.
"Thank you.""Sige, pahinga ka muna maghahanda lang ako ng hapunan natin," sabi niya saka isinara ang pinto. I look at my wrist watch. 5:00 pm na pala.
Naglakad ako papunta sa may bintana na nakaharap sa kagubatan at doon ko nakita ang isang babae at lalaki na naghahabulan.
"Jake! Ano ba! Ibigay mo nga sakin yang bag ko," parang naiinis na sigaw ng babae. Pansin kong may hawak ang lalaki na bag at itinataas nito na pilit namang inaabot ng babae.
"Not gonna happen, mate," naaaliw na sabi ng lalaki. Tumatawa ito nang di sinasadyang mapaangat ang tingin nito sa bintana ng kwarto ko. Nagsalubong naman bigla ang mga kilay nito habang nakatingin sa'kin. Tapos parang inaamoy ang hangin, parang 'yong ginagawa ng mga aso. Mukhang napansin ng babae ang paghinto ng kasama kaya tinignan din nito ang tinitignan ng lalaki at ganoon rin ang ekspresyon ng mukha nito at sininghot rin nito ang hangin. Ang weird.
Dahil di ko na natagalan pa ang kanilang mga titig sa akin ay dahan-dahan na akong umatras. Nang matantya kong di na nila ako nakikita sa ibaba ay pagbagsak akong humiga sa kama.
Di rin nagtagal dahil sa pagod sa byahe ay nakatulog na rin ako.
__________________________
Love lots😘😘
BINABASA MO ANG
The Runt of the Alpha ICOMPLETEDI
WerewolfSi Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang kaniyang mga magulang. She was forced to move to another place to forget. Pero hindi niya akalaing sa...