Chapter 23

6K 190 1
                                    

A/N: Hi there, pups! How are you today?

Ako? Ito nagkakape na naman. Hehe.
-skl

Okay, on wit da estori!!

_______________

"Uhm, guys," Tawag pansin ko sa kanila.

Kasalukuyang tinutulungan ko sila sa paghuhugas. Kami nalang lima ang nandito. Umalis kasi si Richard dahil pinapupunta ito ng ama sa office nito.

Lumingon naman sila sa'kin.
"Pwede niyo ba sa'kin ikwento ang tungkol sa uri natin? Hindi kasi natapos 'yung pagkukwento niyo noon." Sabi ko.

"Sureness, Nica." Ani ni Kath.

"Oo naman, iha." Sabi naman ni tita Sheryl. Habang tumango-tango naman si Ella at si Honey.

Pagkatapos naming manghugas ay napagpasyahan naming sa garden na lamang kami magkwentuhan.

Naglatag kami ng isang picnic blanket sa may damuhan para do'n kami umupo.

"Lesson time." Excited na sigaw ni Kath na nauna nang umupo sa picnic blanket.

Napatawa ako sa ugali ni Kath.

Ang hyper niya lang talaga.

"Okay, children. Dahil ako naman ang nakakatanda rito ay ako nalang ang magsasalita." Sabi ni tita Sheryl ng makaupo na kaming lahat. Lahat naman kami nakatingin sa kaniya at naghihintay sa sasabihin niya.

"As what we've told you before that we are not the only pack in the Philippines neither in the entire world." Panimula niya. "Mostly, sa mga probinsya naninirahan ang mga katulad natin. There are three reasons. One, we don't like loud noises. Alam naman natin na ang ingay sa syudad, diba? Cars there and everywhere. Saka masyadong sensitive ang mga tenga natin sa malalakas na ingay." Tumango naman kami bilang pagsang-ayon.

Naalala ko tuloy. One time kasi no'n ng makauwi ako galing sa school, dumeritso ako sa aking kwarto sabay pasak ng earphone sa tenga. That time nakalimutan kong hindi nalang pala ako simpleng tao. Malakas pa naman ang volume no'n, pero para sa ordinaryong tao sakto lang 'yun, kaya nang clinick ko na 'yung play botton ay nagulat ako. Halos masira ang eardrums ko at muntik ng masira ang phone ko.

Naitapon ko kasi iyon at nahulog sa sahig. Buti nalang ay gumana pa ito yun ngalang naputol 'yung mga wire ng earphone ko kaya di ko na nagamit.

"Second, walang gubat sa syudad. As a werewolf we need to let our wolf to run once in awhile at hindi namin 'yun magagawa kung nasa syudad kami."

'You heard her, you need to let me out once in awhile.' Singit naman ni Harley sa isip ko.

'Yeah, yeah. Maybe tomorrow.' I replied.

"Three, it is because in province there are few humans living in there, mostly they lived in cities. Mas tago ang pagkatao namin dito. Mabuti ng maging isang nilalang kami na di nag-eexist sa mundo dahil baka kung malalaman nilang totoo tayo ay iyon pa ang maging dahilan ng gulo."

Sa totoo lang no'ng nalaman kong totoong nag-eexist ang mga taong-lobo at isa rin ako sa mga ito, nakaramdam ako ng pagkatakot sa mga nilalang na ito at tinawag ko pa silang halimaw.

Siguro dahil sa inpluwensya na rin ng mga horror movie at mga kwentong panakot sa mga bata na inilalarawan ang isang taong-lobo na mga marahas at nakakatakot na nilalang na kumakain ng mga lamang loob ng tao.

Pero tingnan mo nga naman ngayon, may mga kasama akong mga werewolf at hindi sila kumakain ng mga lamang loob at hindi rin sila marahas katulad sa kwento.

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon