Nang makita kong hinalikan siya ng babae kahit pa sa pisnge lang iyon parang nakaramdam ako ng galit at pagkirot sa aking dibdib.
"S-sige, Richard. Alis na ako late na rin kasi ako." Pilit akong ngumiti sa kaniya pero bago ako tumalikod nakita ko pang naningkit ang tingin niya sa akin.
"Wait!" pagpipigil ni Richard sa akin pero sumingit naman ang babaeng iyon.
"Pabayaan mo na, may importante pa tayong gagawin," sabi nito.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Naninikip ang dibdib ko.
Naman! Anong importanteng gagawin?
Girlfriend ba niya iyon? Kung girlfriend niya nga iyon bakit niya pa ako ginugulo?
Nasasaktan ako subali't 'di ko maintindihan. Gusto kong gulpihin ang babaeng iyon.
"Mine! Go back! Kill her!"
Nagmamadali akong nagpunta sa CR. Nagulat na lang ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin na umiiyak.
"What's happening to me? Why does it hurts?"
"ANO ba, Josh!" Inis na asik ko sa babaeng ito.
"Come on, Chaddy. Samahan mo na ako kay Toby!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sh*t, Josh. Fifteen pa lang si Toby wag mo munang guluhin," pakiusap ko sa kaniya.
"I know, pero cous I want to see my mate!" pangungulit pa niya.
Kung hindi ko lang pinsan ang isang 'to kanina pa siya nakahandusay sa sahig. She just interrupted my silent yet wonderful moment with my mate!
"Fine! Just this one," naiinis na sabi ko sa kaniya. Nagtatalon naman niya akong niyakap. "Okay, that's enough.," suway ko sa kaniya. She moved away and smile.
"Come on! I am excited to see him again."
Joshabelle Ramirez, my cousin on my mother's side. She's a half oracle. She can see the future of a person she touched.
Mate niya si Toby, pero hindi iyon alam ni Toby. Nagkaroon kasi siya ng pangitain noon. Sa pangitain niyang iyon nakita ang sarili at si Toby. Ilang taon na rin niyang alam iyon. Mas matanda siya kay Toby ng dalawang taon. Hindi pa nga lang siya pwede magpakita dahil baka magulo niya ang pag-aaral nito kaya patago siyang pumupunta rito mula sa pack nila para lang makita si Toby.
Papalapit na kami sa pinto papasok sa canteen nang tumigil siya kaya napahinto na rin ako. May ininom siya galing sa maliit na bote at kulay lila ang lamang tubig niyon.
"Ano yan?" curious na tanong ko.
"Nothing. Let's go!" sabi niya saka hinila ako papasok.
Nakita namin si Toby kasama sina Jack, Kath, at Honey. Lumapit kami sa kanila at ito namang kasama ko ay nagpakilala agad.
"Hi, guys! My name is Josh Ramirez. I'm from Crescent moon pack," nagtatanong namang lumingon ang apat sa akin.
"She's my cousin."
Ngumiti naman sila agad kay Josh saka isa-isang nagpakilala. I saw how Josh's eyes glimmered when it's Toby's turn to say Hi.
"Bakit Josh panagalan mo? Di ba pang lalaki iyon?" takang tanong ni Toby. Naa-amuse na napatawa naman si Josh sa tanong ni Toby.
"Josh short for Joshabelle," aniya. Tumili naman si Kath. Sinamaan namin siya ng tingin ng mga kasama niya na kaniya lamang binalewala.
"I like you're name!" wika pa nito.
"Oh thank you, Kath," nakangiti rin namang sabi ng pinsan ko.
SUMAKAY ako sa bus pauwi sa bahay. Nanghihina at wala sa mood na pumasok ng bahay.
"Oh, mabuti dumating ka na. Nakapaghanda na ako ng makakain," masayang sabi niya sa akin. Nginitian ko naman siya.
"Sige, tita. Magbibihis po muna ako."
"Sige-sige."
Masarap ang niluto ni tita pero wala talaga akong gana ngayon.
"So, may naimbitahan ka na bang mga bagong kaibigan sa birthday mo?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya.
"Wala pa po, baka bukas," sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain.
"Sige, I really want to meet your new found friends," nginitian ko na lamang siya.
Ano kaya kung imbitahan ko rin si Richard?
Napatigil ako sa pagsubo.
Oh, no way! Bakit mo ba siya naisip!
May girlfriend na siya, so please h'wag mo ng gustuhin ang lalaking iyon!
BINABASA MO ANG
The Runt of the Alpha ICOMPLETEDI
WerewolfSi Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang kaniyang mga magulang. She was forced to move to another place to forget. Pero hindi niya akalaing sa...