Epilogue

6.9K 180 4
                                    

A/N: Hito na! Di ko alam kung bakit ako naiiyak na ending na(sabihin niyo nang ang OA ko pero 'yun talaga nararamdaman ko).  😭

Unang-una sa lahat at hindi sa huli gusto Kong magpasalamat sa lahat ng tumangkilik sa story na 'to(kahit ang cliche ng story). hehe. Sana suportahan niyo rin ang iba ko pang mga kwento.

Thank you talaga, guys! I ❤️ you all. 😘

Dapat no'ng Sunday pa ko pa 'to p-ina-ublish kaso nag-expire na Ang subscription ko sa smart kaya di natuloy.

Guys, sorry sa last update ko ang daming errors inaantok na kasi ako no'n e. 😅

Sana mai-enjoy niyo. ☺️ 'Til next time! Jal ga!❤️

"You can't do anything, Alpha Richard. She's still mine"  tumatawang pahayag ni Amborgio nang matamaan niya ako sa tagiliran.

Alam kong malalim ang sugat sa aking tagiliran dahil sa kutsilyong yari sa pilak na gamit niya. Hawak-hawak Ang tagiliran ay pinilit kong tumayo at lumaban pa.

"Mamamatay muna ako bago mangyari 'yon" atatake na sana ako nang bigla na lang may sumulpot sa harap ko at malakas akong binalibag.

"Oops, gotta go. I still have a wedding to finish" sabi niya "o and have fun with your playmate" saka ito nawala.

Itinukod ko Ang aking kamay para doon kumuha ng suporta ngunit muli na naman ako tumalsik nang may sumipa sa akin ng malakas sa tagiliran.

Napaubo ako ng sobra. Nalasahan ko na rin ang dugo na umaagos sa aking bibig.

Shit! Damn it hurts like hell!

"Let me out, human!" Raven growled.

"Fine"

Once I heard my bones cracking, I know I am shifting to Raven.

Nang tuluyan ng makapag-shift ay tinakbo ni Raven ang nangahas na kami ay kalabanin. Ibinalibag niya ito sa lupa.

"A-Alpha" inangilan ko ito pero halos lumuwa Ang mata ko nang makilala ito.

"R-Red?"

"Alpha, h-h'wag mo 'kong p-patayin. M-Maawa ka" agad akong bumalik sa pagiging tao at dinaluhan siya.

"Shit, I'm sorry, Red"

"Lumayo ka sa kaniya, kuya!" agad na nabaling Ang aking atensyon at di ko napansin Ang pagngisi ni Red at ang patalim na hawak niya.

"Kuya!"

"Woah, that was close" napatingin ako kay Jansen pagkatapos kay Red. Nanlaki ang mata kong nakatutok na sa akin ang isang patalim na hawak niya. Agad rin nawala si Jansen sa harap ko.

"Oh my God, kuya!" naramdaman ko naman ang mga braso ni Ella sa balikat ko "muntik na 'yon" sabi niya saka lumayo sa'kin.

Napatingin ulit ako sa naging batong si Red. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya sa'kin 'yon. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil sa kaalamang trinaydor ako ng aking kaibigan.

"Alpha, a 'lil help!" sigaw ni Jansen.

Nakita ko ang mga bampira na pinalilibutan siya habang ang itim na salamangkero ay patuloy sa kaniyang orasyon.

"Mate!" angil ng kapatid ko at nagmamadaling tumakbo sa kinaroroonan ni Jansen.

"You got to be kidding me!" naibulalas ko na lang bigla.

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon