Chapter 15

7.8K 246 5
                                    

"A-anong nangyari sa kaniya?" Nag-aalalang tanong ko kay Richard matapos naming mailipat sa kwarto si Josh.

Kasalukuyan siyang inoobserbahan ng pack doctor-'yun ang tawag nila sa kaniya.

"Hindi ko rin alam. I hope she's okay."

Matapos obserbahan si Josh ng doktor ay lumapit ito sa amin.
"Ayos naman siya. Wag kayong mag-alala, maaring may nag-trigger sa kaniya para matakot at himatayin. Gigising rin siya mamaya." Sabi nito sa amin.

"Salamat Doc." Pagpapasalamat ng nanay ni Richard. She escorted him to the door at agad din namang bumalik.

We were just inside the room waiting for Josh to wake up. Lahat tahimik at kaniya-kaniyang may iniisip.

"She was holding Nica's hand when she collapsed." Napatingin kaming lahat kay Ella. "Do you think she seen something?" Nag-aalalang tanong niya.

"Naisip ko rin yan kanina." Sagot naman ni Richard.

Anong ibig nilang sabihin? Bago ko pa iyon maisatinig ay naunahan na ako ni Kath na mukhang naguluhan rin.

Napabuntong hininga si Richard.
"She's an oracle." Maikli niyang sagot.

Hindi naman ako bobo para di malaman kung ano ang orakulo, nagulat lamang ako dahil di ako makapaniwalang totoo palang may mga ipinanganak na may kakayahang malaman at makita ang kinabukasan.

"Wow, astig." Hangang-hangang sabi ni Toby at napatingin sa nakahigang si Josh.

Nakita kong makahulugang ngumisi si Richard kay Toby.

"Guys, look"
Nagising na si Josh!

"My dear, kamusta ang pakiramdam mo?" Ang nanay ni Richard ang unang nagsalita sa amin. Umupo ito katabi ni Josh saka hinaplos ang buhok ng pamangkin.

"A-ayos lang, tita. Medyo nahihilo lang ako." Sabi niya habang hinihilot ang sentido.

Inabutan naman siya ni Clare ng isang basong tubig.
"Thank you." inalalayan siya ng ginang na makaupo.

"Anong nangyari? Bakit ka nawalan ng malay? May pangitain ka bang nakita?" Sunod-sunod na tanong ni Ella.

Natigilan naman sa pag-inom si Josh. Tapos bumaling siya sa'kin na may takot at kalungkutan na maaaninag sa kaniyang mukha.

"T-Tungkol ba sa'kin?" tanong ko sa kaniya.
Kinakabahan ako sa isasagot niya.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko habang nakatitig siya sa mga mata ko.
"Nica, your heart is in danger." Sabi niya.

Nangunot ang aking noo sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"

"Kanina habang hawak ko ang kamay mo ang una kong nakita ay ikaw...nakalutang sa eri habang lumiliwanag ang iyong buong katawan. Hanggang sa nag-iba...naging madilim ang lugar at.." Naramdaman ko ang kaniyang biglang panginginig. "at naliligo ka na sa sarili mong dugo." Umiiyak na kwento habang napasinghap ako sa sinabi niya. " And the blood...the blood is coming out from your chest." Do'n na siya napahagulgol.

Hindi ko namalayang umiiyak na rin ako. Natatakot ako, paano kung maging totoo iyon? I'm too young to die. I still want to live.

There's a lot of things I still want to do!

"I don't want to die."  Hindi ko alam na naisa-tinig ko na pala iyon hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumayakap at pilit akong pinapakalma.
"You will not die. I won't let it happen. Never." He growled.

Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya habang nanginginig.

"You said she was floating and glowing?" Rinig kong tanong ni Honey.

"Yes."

"I just remember my lesson on my history class. It is about all the supernatural beings." Si Honey.

"Anong nalalaman mo, Honey?" Tanong ni Richard habang yakap pa din ako.

"Well, yung sinasabi ni Josh na nakita niya na lumutang si Nica at lumiliwanag ay iyon ang transformation ng isang ganap na healer. Sa pinag-aralan namin, healers are the only unique supernatural with a healing power. Pwede silang ipinanganak bilang isang mangkukulam, lobo, bampira, at iba pa. In short, being a healer is not an inheritance from your parents. It is a gift from the moon goddess." kwento niya. Nanlaki ang mata ko do'n.

Lumayo ako sa pagkakayakap kay Richard, narinig ko pa ang pagtutol niya pero di ko pinansin saka tinuon ang atensyon kay Honey at nagtanong.
"Sinasabi mo bang healer akong isang lobo?"

Tumango siya.
"But.." Pabitin na sabi niya. "being a healer is crucial."

"Why?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Richard.

"As I have said before, healer is a unique creature. And your heart is a powerful thing, it can make a dead person be alive again."

"Sa p-paanong paraan?" Tanong ko naman.

Tinitigan niya ako sa mata.
"By transferring your heart to the body of a dead person." naalala ko ang kinuwento ni Josh na nakita niya.

Kaya ba nakita niya ang dugo mula sa dibdib ko? D-dahil may kumuha sa p-puso ko?

"It takes hundred of years before a healer born again." Dagdag pa ni Honey.

"Supernatural are immortals, right?" Tanong ko. Tumango naman sila."Then, there's a possibility na may natitira pang healer."

Malungkot na umiling si Honey.
"Unfortunately, the last healer was killed and someone removed her heart from her chest."

Napasinghap ako ulit. Mas tr-um-iple pa ang takot na nararamdaman ko.

Yumakap naman ulit sa'kin si Richard.

"Sshh, baby. I'm here. I'll protect you. There's no way in hell I'll let anyone harm you." Bulong niya sa'kin at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa'kin.

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon