Chapter 2

12.1K 374 32
                                    

Nasa kalaliman ako ng aking pagtulog ng biglang mag-ingay ang alarm clock ko. Pikit matang pinatay ko iyon saka tinatamad na umalis sa higaan at pumasok sa banyo.

This is one of the reasons why I don't like to go to school. Masakit sa tainga ang alarm at isa sa ayaw ko sa nakakarinding ingay. Kaso wala naman akong pagpipilian.

Unang araw ko ngayon sa bago kong school na papasukan. I just hope everything will went well.

"Oh, nandiyan ka na pala. Sige, kumain ka na diyan para makaalis na tayo," sabi sakin ni tita nang makita niya akong bumababa ng hagdan.

Pagkatapos mag-almusal ay inihatid niya pa muna ako bago siya pumasok sa kaniyang trabaho.

"Dala mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tumango naman ako "Iyong notebook, papel, panulat? Okay na?" tanong niya ulit.

I chuckled.
"Chill, tita. Dala ko na po lahat ng gamit ko. Don't worry." I smiled genuinely.

"Good." Hinalikan niya ako sa noo. "Sabihin mo sa'kin kung may umaapi sayo ha?" Napatawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Opo," nasabi ko na lang. Nagpaalam na ako sa kaniya at pagkaalis ng kotse niya saka ako naglakad papasok ng building.

I was checking my phone when someone blocked my way.

Nag-angat ako ng tingin hanggang makatitigan ko ang isang chinitong lalaki na may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Alanganin akong ngumiti saka tinanong siya;

"Uhm, may kailangan ka?" Mas lumawak pa ang kaniyang pagkakangiti.

"Ikaw yung transferee diba?" Tanong naman niya.

"Oo, bakit?" Ano ba kasi ang kailangan nito?

"Ako nga pala si Matthew, Matt for short," pakilala niya sabay lahad ng kamay. Dahil ayoko namang magkaroon ng kaaway sa first day ko kaya tinaggap ko na lang.

"Nica" sabi ko.

"Nice to meet you, Nica. Pupunta ka ba sa office ng dean?" tanong niya.

"Oo sana kaso di ko alam kung saan."

"No need to worry. I will lead you the way,"  anito. Para di ko na kailangan pa magtanong-tanong sa mga estudyante dito para sa direksyon ay napagpasyahan kong sumama na lang sa kaniya. Mukha naman siyang mabait.

Hindi naging boring ang unang araw ko sa paaralan at dahil iyon kay Matt. Napakadaldal niya, ang hilig niyang magkwento ng kung ano-ano kaya naging komportable na akong kasama siya.

Pagkatapos kong makuha ang sched ko sa dean, nalaman kong may mga subject pala akong kasama siya kaya naging kampanti ako.

Its time for my fourth subject which is philosophy, but sadly 'di ko na kaklase si Matt.

"See you at lunch," sabi niya at tumango ako. Napabuga pa muna ako ng hangin saka naglakad papasok sa room na nakalagay sa schedule na binigay sa'kin.

Wala namang paki-alam ang lahat kaya napanatag ang loob kong wala akong makakaaway dito. Lahat kasi sila ay abala sa pakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan.

Tinignan ko naman ang buong classroom. Saan kaya may bakante?

Ah, ayon!
Pinili kong umupo sa pinakadulo. Mas mabuti dito ako pumwesto para di ako masyadong mapansin.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang aming guro.

"Good morning, class." Bati ng guro sa amin. Binati rin namin siya. Napadako ang tingin niya sa akin. "Mayroon pala kayong bagong kaklase," tukoy niya sa akin. Lumipat naman ang tingin ng lahat sa aking direksyon. Napakunot noo silang lahat.

Di ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kanilang nagiging reaksyon kapag nakikita nila ako. Kahit kanina sa ibang subject ganoon rin. Ang aming guro ang unang nakabawi at ngumiti sa akin ng may pag-aalangan.

"You're Ms. Bonabon, right?" tanong niya.

"Opo, ma'am," sagot ko.

"Just call me Ms. Ocampo," aniya "Will you please introduce yourself to your classmates?" Malumanay niyang sabi.

Tumayo ako saka mahinang na nagsalita.
"I'm Nica P. Bonabon, 18" Yun lang ang sinabi ko, natatakot kasi akong ipaalam sa lahat kung saan ako galing. Hindi sa naiisip ko na maghahanap sila ng bagay tungkol sa akin. Gusto ko lang kalimutan ang nangyari at kasama na roon ang paglimot sa lugar kung saan ako lumaki.

"Welcome to Blue moon Academy, Ms. Bonabon"

"Thank you" umupo na ulit ako sa aking upuan. Mabuti naman at humarap na rin sa aming guro ang mga kaklase ko.

"Okay, class, so lets continue our topic yesterday."

Nagsisimula na si Ms. Ocampo magturo nang biglang may pumasok na dalawang lalaki sa classroom namin. Base sa suot nila mga estudyante rin sila.

Wala naman sana akong pakialam ang kaso di ko maiwasang magtaka ng magsiyukuan ang mga kaklase ko pati na rin si Ms. Ocampo.

"We're sorry for being late, Ms. Ocampo," Paumanhin ng isa sa kanila na parang pamilyar sa akin. Di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

"It's okay, Beta Jake. Alpha Richard," sabi ni Ms. Ocampo sa tinawag niyang beta Jake. Habang tinanguan lang siya ng lalaking tinawag niyang alpha Richard.

Hindi ko maintindihan kung bakit may nararamdaman akong malakas na aura sa Alpha Richard na ito. Pansin ko ring nanatiling walang emosyon ang mukha niya. Ni hindi nga niya nginitian si ma'am kung pagmamasdan mo parang mas mataas Ang posisyon ng Richard na'to kesa kay Ms. Ocampo. Weird.

Pinagmasdan ko lang siya habang kausap nila si Ms. Ocampo. Alam kong mali ang tumitig dahil super nakakailang 'yon pero di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I can't look away. There is something in me that wants to stare at him more. To claim him as my own.

Patuloy pa rin ako sa pagtitig nang bigla siyang lumingon at nag-tama ang aming mga mata.

Parang huminto ang oras, naging dahan-dahan ang paggalaw ng lahat, at unti-unti itong nawawala at tanging kami na lamang ang natitira. Okay, that's cliche.

Pero ang ganda talaga ng mga mata niya. Ang gwapo-gwapo pa niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, may bahagi sa aking inaangkin ko siya. May kung anong lumukob sa puso ko habang nagkatitigan kami.

"Mine."

Isang tinig sa aking isipan ang gumising sa aking pagpapantasya.

Luh, nakakahiya.

Napayuko ako sa sobrang kahihiyan. Paano ko nagawang angkinin ang taong di ko kilala?

Ramdam ko pa ring nakatingin pa rin siya sa akin at ang nakakainis pa kinikilig ako.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Do I like him? So ano 'to? Like at first sight?

Isang oras akong parang tuod sa aking upuan. Nakatitig pa rin kasi siya sa akin, alam ko kasi katabi ko lang siya. Para akong naiihi na iwan, pinagpapawisan na rin ako dahil sa ringing pinupukol niya sa'kin. I need to get out of here.

Kaya naman nang tumunog agad ang bell ay dali-dali akong lumabas. Nang makalayo-layo ako ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yey! Kailan ko kaya mararamdaman 'to? Char! 😕😂

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon