<Meisha’s POV>
“Bye mommy, bye daddy.” Paalam ko kina mommy at daddy nang maihatid nila ako dito sa school ground.
“Anak, mag-iingat ka don ha? Huwag mong kakalimutang tumawag samin ng daddy mo pagkarating mo doon lalong lalo na kung may problema ka ha?” at nagsimula na naman si mommy sa mga litany niya.
“Opo.” Sagot ko na lang para naman hindi na siya mag-alala. Si mommy talaga para pa rin akong bata kung ipamper niya.
“Bye anak. Galingan mo sa demo mo ha? Huwag mong kalimutan ang pasalubong namin.” Nakangiti namang sabi ni dad. Haysss!!!.. buti pa talaga itong si daddy hindi nakakastress.
“Syempre naman po. Sige nap o tuluyan nap o akong malelate sa inyo. Hehe.” Pagkatapos ko silang yakapin at halikan ay pumasok na ako sa loob ng bus kung saan nakareserve ang aking mauupuan.
“Bye baby. Tatawagan kita mamaya!” pahabol ni mommy habang kumakaway.
“Opo!” pasigaw na sagot ko. Hay naku, nakakahiya tuloy dito sa mga kaklase ko.
Pagkapasok ko sa loob ay mukhang ako na lang ang hinihintay kaya naman dalidali ko ng hinanap ang seat number ko.
1-2,3-4,5-6,7-8,9-10,11-12,13-14,15-16,17-18,19-20……. Gotcha!
Eh? O______________O
Nakaupo na pala ang katabi ko. Walang iba kundi si Hendersen. At ang hudyo pumwesto pa talaga sa may gilid sa may bintana. Andaya e, ako dapat don kasi sakin ang number twenty. Aish! Gusto ko pa naman na kapag bumabyahe ako e nakapwesto ako sa may bintana.
Padabog na ibinagsak ko ang katawan ko sa upuan pagkatapos kong maipwesto ang aking gamit sa lagayan ng baggage sa itaas ng upuan kaya naman napalingon siya sakin kahit nakaearphone siya.
Hindi ko na lang siya pinansin nong tumitig siya sakin. Hmp! Napakaungentleman naman niya. Akala ko pa naman okay na kami kasi angsaya pa naman namin noong gumagawa kami ng mga IMs namin na gagamitin namin sa demonstration.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Music Lover
Teen FictionMeisha Audrey Griffin loves music. She was a BEED student and it wasn't her choice but it was her parents. She lived in a perfect life which was her best friend Cassandra wishes to have. She idolizes her sister Meirizz who was a band vocalists and s...