<Meisha’s POV>
Kriiiinggggggg!!!!!!!!!............... Kriiiiiinngggggg!!!!!!!!!!!!......
Aish! Ano ba yan ang ingay.
*snore*
Kriiiinggggggg!!!!!!!!!............... Kriiiiiinngggggg!!!!!!!!!!!!......
Argggghhh!!!.. ano ba ang sarap ng tulog ko e. Aish!... Pinatay ko ulit ang alarm clock ko at nagtakip ng unan sa kaliwang tenga ko dahil nakatagilid ako.
*snore*
Blaaaggggg!!!...
Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto at halos mahimatay ako sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pagkagulat.
“Meishaaa!!!!.. Diosko namang bata ka maiiwanan ka na ng sasakyan niyo papuntang fieldtrip!!..” si mommy. Humahangos siyang lumapit sa kama ko.
Huh? O____O
Ay potek naman o. Kaya pala mukhang kulang yong tulog ko e ginigising na ako ng alarm clock ko. Kakamotkamot at pupungas pungas akong bumangon sa kama. Mabilis kong sinipat ang oras sa malaking orasan ko na Hello Kitty sa dingding.
2:30 am
Nakkow! E 3:00 dapat nasa school ground na kami dahil doon ang meeting place naming mga education student na papuntang fieldtrip. Anim na oras kasi ang byahe kaya maaga kaming babyahe para saktong maaga pa pagkadating namin don at iwas traffic na rin. Lagot! Tatlumpong minuto na lang ang natitira para magbihis ako. Buti na lang at naihanda na lahat ni mommy ang lahat ng kailangan ko para sa tatlong araw namin sa Baguio kagabi.
Aish! Naman o, bakit ba kasi nawalawala pa sa isip ko na ngayon na pala ang fieldtrip samantalang kakacheck lang namin kagabi kung okay na lahat ng mga IMs na gagamitin namin sa demonstration na pinaka sa fieldtrip.
“Mommy naman e. Bakit di niyo ko ginising?” sabi ko kay mommy na mukhang di makapanganak na pusa sa pagkabahala.
“Dios mio namang bata ka. E malay ko ba na naghihilik ka pa diyan. Akala ko nga handa ka na at tatawagin na sana kita para kumain kasi kanina pa ako tapos magluto ng agahan at baon mo sa daan at nagtataka nga ako kung bakit antagal mo. Akala ko pa naman pustorang pustura ka na sa tagal mo yon pala ang sarap pa rin ng hilata mo.”
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Music Lover
Ficção AdolescenteMeisha Audrey Griffin loves music. She was a BEED student and it wasn't her choice but it was her parents. She lived in a perfect life which was her best friend Cassandra wishes to have. She idolizes her sister Meirizz who was a band vocalists and s...