IILWAML - Chapter 26

35 10 0
                                    

<Meisha’s POV>

Now I can feel the cool and fresh air of Baguio. Haysss… angsarap talaga dito.

Pagkarating namin, tumuloy na kami agad sa hotel kung saan kami nakareserve for three day checking inn. So since four  is to one ang ratio, nagdecide kami ni Cass na magsasama sa isang room para hindi na kami magkakahiwalay. Two beds kasi ang bawat room at dalawa ang kayang iaccomodate ng isang bed kaya kami ang magkashare ni bessy sa isang bed.

At para mas madali e pinagsamasama na kaming mga girls na magdedemo sa iisang room at nagdagdag na lang ng isa.

Since sarili naman namin ang sasakyan, nakarating kami ng Baguio around 9. Dumeretso kami ng hotel ng makapagpahinga din muna bago sumabak sa mga sadya namin.

Sobrang nagandahan ako sa hotel na pinagcheck inn’an namin, sa Hotel Le Monet sa Camp Joh Hay. Since lahat ay nisettle na ng school, wala ng masyadong naging aberya at derecho na agad kami sa kanya kanyang mga rooms namin.

Kaya naman pagkapasok namin sa room namin e humilata na agad ako sa kama.

“Whoah! Angsarap naman! Dito ang bed natin bessy” sabi ko habang nagpagulong gulong sa kamang napili kong hihigaan namin ni Cass.

“Hoy babae! ‘yang sapatos mo hubarin mo muna.” Sita naman sakin agad ni bessy. Hmp! Panira ng moment. Sobrang istrikto talaga nito pagdating sa kalinisan, ayaw na ayaw niya ng dumi na akala mo naman nakakamatay na kahit  konting dumi lang. hmp! Kaya gusto niya lahat e organisado at malinis lalong lalo na sa kanyang kwarto.

“Opo! Sagot ko nalang sabay tanggal ng mga sapatos ko. Pero habang nagtatanggal ako ng buhol ng sintas e natanaw ko na may terrace  pala na kanugnog ng kwarto at….

“Whoaaaa!!!!!!.... angganda naman ng view!!..” nagtatakbo ako papuntang terrace at sobra akong naamaze sa ganda ng view. Tanaw ko mula dito sa kinaroroonan ko ang mga puno at ang mga kalsada at pati na rin ang iba’t ibang mga istrukturang maaaring matatanaw.

“Hoy babae tulongan mo ako sa pag-aayos ng mga gamit natin dito sa closet.” Si Cass at balak na naman atang abalahin ang pagnanamnam ko ng malamig at preskong hangin.

“Mamaya na. teka muna! Halika kaya dito.” Suhestyon ko na lang.

“Hayy naku! Taposin muna kaya natin to bago tayo ngumanga ng makapagrelax na tayo ng deretso.”

“Hmp! angKJ naman nito.” Bubulong bulong na sabi ko bago sumalampak na naman sa kama.

I'm In Love With a Music LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon