<Meisha’s POV>
Tahimik lang ang mga bata habang papasok kami ng classroom. Maganda ang classroom. Well ventilated and well lighted. Nagmukhang malinis at presko dahil sa kulay yellow green na pintura ng wall at sa malalaking bintana. May sarili ring mini-library ang room at nagmukhang children’s sanctuary dahil maganda ang pagkakaayos nito sa isang corner ng room at mukhang magiging komportbale ang bawat batang gugustuhing magbasa dahil sa mga provided na cautions at puzzle mat na nakalatag sa gitna na napapalibutan ng mga shelves and books.
Maayos din ang mga different corners and board displays sa likod ng mga bata. Nakapaglagay na rin sila ng ilang Christmas decorations kahit November pa lang ngayon. Mukhang malinis ang guro dahil maganda ang pagkakaayos ng classroom. Angdami dami din niyang art displays na sarili niyang gawa. Mukhang mahilig siyang gumuhit dahil madaming mga drawings na ginawang decorations sa ibat ibang sulok ng classroom.
Kaya minsan naeexcite din akong maging guro para maiapply ko rin ang aking kaunting nalalaman sa pagguhit ^______^ gusto ko ring maging ganito kalinis at kaganda ang magiging kwarto ko baling araw. Gagawin ko ring maganda o kayay mas maganda pa dito.
“Class, here are the two teachers that are going to teach you today as I have told you before. Di ba excited na kayong makilala sila?” pagsisimula ni Ms. Reyes.
“Yes maam!” sabay sabay namang sagot ng mga bata.
“So class, this is Sir Hendersen and this is Ms. Griffin.” Pagpapakilala samin ni Ms. Reyes. Mukhang ipinaprioritize talaga si John samantalang ako naman talaga ang magiging teacher samin. Hmp!
“Hello kids!” bati naman ni John sa kanila at ngiting ngiti
“Hi grade three! Good afternoon.” Bati ko rin sa kanila.
“Good afternoon Ms. Griffin and Mr. Hendersen!” sabay sabay na bati ng mga bata pagkatapos silang muwestrahan ng kanilang guro upang tumayo at batiin kami. O diba? Buti na lang ako naman ang inuna ng mga bata.
“ Ms. Griffin and Mr. Hendersen, please take it away.” Sabi ni Ms. Reyes at nginitian kami bago lumabas ng room. “Goodluck!” sabi pa nito sa amin. “Kids, please don’t forget our deal. Just behave, listen attentively to these two teachers that are going to handle you for a while and answer them whenever they ask you some questions. I told you, your performances today will be added to your records. Is it clear?” Habilin ng guro
“Yes Ms. Reyes!” sabay sabay pa ring sagot ng mga bata. Pagkatapos ay naupo na ito sa likuran kasama ang mga dean, ilang instructors namin, ilang guro ng school na nagsabing papanoorin kami at ang head ng school.
Huminga ako ng malalim ng palihim. Inihanda na namin lahat ng mga IMs namin. At habang ipinagpapatuloy ni John ang pag-ayos ng mga gagamitin namin tulad ng napag-usapan namin ay sinimulan ko na ang lecture. Whoah! Kinakabahan pa rin ako pero pinilit ko na lamang magconcentrate at kalimutan ang aking kaba. Kelangang matapos namin to ng maayos dahil pangalan ng school namin ang nakataya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Music Lover
Teen FictionMeisha Audrey Griffin loves music. She was a BEED student and it wasn't her choice but it was her parents. She lived in a perfect life which was her best friend Cassandra wishes to have. She idolizes her sister Meirizz who was a band vocalists and s...