<Meisha’s POV>
Mag-iisang buwan ng hindi ako pinapansin ni bessy T______T Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko kung bakit niya ako iniiwasan. Bigla na lang na hindi niya ako pinapansin at kinakausap ng hindi ko man lang alam kung anong malaking kasalanan ang nagawa ko.
Okay pa naman kami bago niya ako iniwasan sa pagkakaalam ko.
Sabihin niyo nga sakin? Ano ba ang nagawa ko sa bestfriend ko?????...
Ginawa ko na lahat ng pagsuyong alam ko para lang bumalik kami sa dati pero wala pa ring nangyari. Ni ayaw niya akong makita nong sinubukan kong pumunta sa bahay niya. Hindi nga rin alam nina Tito James at Tita Xandra kung ano ang dahilan. Nakauwi na sila ng Pinas pagkatapos ng dalawang lingo bago ako iniwasan ni bessy. Pati nga si Yaya Auring e hindi alam ang dahilan kung bakit ayaw na akong makita ng kaibigan ko.
Ni wala man lang akong kamalaymalay na may nagawa nap ala akong mali para kalimutan na niya ang lahat ng pinagsamahan namin. Nakakasakit lang ng damdamin na ganon na lang kadali ang lahat. Alam naman niyang siya ang pangalawang pamilya ko. Na mahalaga para sakin ang mga alaala at pinagsamahan namin.
Sa school ni ayaw niya akong lingunin. Kapag kinakausap ko siya hindi niya ako pinapansin na akala mo naman walang tao sa paligid niya. Feeling ko tuloy isa akong tae na kahit mamaga ang lalamunan sa kakanganga e hinding hindi niya kakausapin kahit kailan.
Sabihin niyo nga sakin kung ano ang dapat kong gawin para maibalik na ang dati naming samahan ni bessy. Kasi ako sasabog na talaga ang utak ko sa kakaisip kung ano ba ang nagawa ko at kung saan ba ako nagkulang sa kaniya.
Naglalakad ako papuntang music room para sa general practice namin para sa battle bukas kasi bukas na ang Foundation Day celebration ng school ng….
*Tok!*
“Aray naman!” hinimas ko ang parte ng ulo kong tinamaan ng bagay na isinapol saakin.
*Tok!*
“Aray!” anak ng pitumpo’t pitong putting pato naman oo at inulit pa talaga. Masyado naman atang nag-eenjoy ang sumasapol sakin a. Lumingon ako sa paligid para hanapin kung sinong nagbabato sakin. At aba’y Hershey’s chocolate pa talaga na cubes ang pinambabato sakin. Pinulot ko ang mga cubes na ibinato sakin tapos binuksan at isinubo. Hehe aba’y sayang naman kung papabayaan ko na lang di naman marumi kasi may balot pa.
“Pfffttt!!..” lumingon ako sa paligid para hanapin yong nagpipigil ng pagtawa malamang siya yong bumato sakin.
“Sino ka? Lumabas ka na alam ko na kung sino ka. Huwag mo nga akong utuin.” Kunwaring sabi ko. Hehe akala niya ha. Lumingon ako sa kaliwa ng makita ko sa peripheral vision ko na may gumalaw.
“Aish! Akala ko pa naman magugulat kita. Alam mo naman na pala na ako to.” aish!.. si Gavin pala.
“Pfffttt!!.. hahahaha.” Humawak ako sa tyan ko dahil sumakit sa pagtawa. Walanjo lumabas agad e hindi ko naman talaga alam na siya yon.
“What’s funny? Ako dapat ang tatawa sayo kasi kinain mo yong chocolate na ipinansapol ko sa’yo.” Nakangusong sabi nito kaya naman lalo akong napatawa.
“Haha bakit kaba kasi umamin agad na ikaw yong nantritrip sakin e hindi ko naman talaga alam na ikaw ‘yon. Joke lang yong sinabi ko na alam ko na kung sino ka. E di sana sinabi ko ang pangalan mo. Haha.” Pag-amin ko. “Pero teka, bakit mo ba ako binabato? Tsaka bakit mo ba ako pinagtritripan? Wilab ka talaga baka naman nasobrahan mo nang kumain ng chocolate e dapat nandon ka sa music room.” Nakapamewang na sabi ko
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Music Lover
Roman pour AdolescentsMeisha Audrey Griffin loves music. She was a BEED student and it wasn't her choice but it was her parents. She lived in a perfect life which was her best friend Cassandra wishes to have. She idolizes her sister Meirizz who was a band vocalists and s...