IILWAML - Chapter 17

50 14 0
                                    

<Cass' POV>

Arghhhhh!!!!.. hanggang ngayon galit nag alit pa rin ako sa Gavin na yon. Angkapal ng mukhang kaladkarin ako at dalhin sa kung saan niya gusto. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ko siya hinayaang gawin kung ano man ang gusto niya. Eeeeeeeeeeeee!!!!.. angsarap lang kalmutin ang pagmumukha niya.

-Flashback-

"Ah, Cass, halika may sasabihin pala ako sayong importante." Si Gavin at bigla na lang niya akong hinatak at nilayo kina Bessy at John.

"Ayoko! Ano Ba! San mo ba ako dadalhin?" grrrr!!!.. anong ginagawa ng lalaking to? Sino siya para kaladkarin na lang ako?

"Hoy! Gavin, saan kayo pupunta ni Bessy?" tanong ni Meish

"May sasabihin lang ako sa kanyang importante Meish. Saglit lang kami." Pahabol namang sagot ng walangyang lalaking kumakaladkad sakin. Sinusubukan kong hilahin pabalik ang kamay kong hawak hawak niya pero hindi naman ako makahulagpos dahil mas malakas at mas malaki siya sakin.

Sinakay niya ko sa kanyang sasakyan. "Ano ba! Ibaba mo nga ako! San mo ba kasi sabi ako dadalhin?" nagsisgaw na ako sa loob ng kanyang sasakyan pero dineadma niya lang ako. Ah, ganon ha...

"Ano ba!!.. itigil mo nga tong sasakyan!" nanggigigil kong sinabi at pinagsusuntok siya sa braso habang nagmamaneho.

"Hoy! Itigil mo nga yan! Baka mabangga tayo!" sigaw din ng walangya at pilit umiiwas sa mga suntok ko.

"Arghhhhh!!!!!.. wala akong pakialam basta ibaba mo na ako!.. ano Ba!!"

"Sige ka, kung ayaw mong tumigil hahalikan kita diyan!'' aba't nagtangka pang takotin ako. Pero din a lang din ako nagsalita dahil baka nga totohanin ng walangyang lalaki na to. Ano siya? Sinuswerte? Never! Never ko pang pinangarap na siya ang magiging first kiss ko no!.. Over my dead sexy body! Si John ang gusto kong magiging first kiss ko.

Kaya kahit labag sa loob ko e tumahimik na lamang ako, sumiksik sa gilid at naghalukipkip habang tinitignan ang kasama ko ng matalim.

"Hey! Will you quit looking at me like that? Baka matunaw na ko sa lagkit ng titig mo." Psh!!! At ngumiti pa ng nakakainis ang walangya. Angsarap lang kalmutin ang sobrang kapal niyang pagmumukha.

I'm In Love With a Music LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon