<Meisha POV>
"Dali na sissy uwi na tayo. Antagal mo pa naman magbihis e. Ilang oras na lang mag-istart na yong battle. Okay na yong napili kong yan."
Aish! Ano ba yan antagal naman pumili ni bessy ng susuotin niya ngayon. Kung bakit ba kasi ako pumayag na magmall pa kami e alam ko naman na ambagal bagal niya pumili ng bibilhing damit. Hindi yata sapat ang twenty four hours para pumili siya ng bibilhing damit. Tsk!
Aish!.. Ang arte kasi e. Ako nga nakita ko lang tong T-shirt na napili ko don sa may Bench ee nigrab ko agad.
Abay nakita ko lang naman ang pagmumukha ni idol Avril sa shirt na to alangan namang mag-iisip pa ako? Ni hindi na nga ako nag-abala na itry pa. Aba! Limited edition pa naman. Mahirap nang maubusan. Hehe
Samantalang itong kasama ko isang closet na yata ang natry sa fitting room pero hindi pa rin nakapili. Sinabi ko na ngang gaya na lang nitong shirt na napili ko ang bibilhin e para pareho na naman kami ayaw naman.
"Haysss.. O siya ito na nga lang bibilhin ko. "
Hallelujah! Sa wakas. Napili nito yong medyo loose na damit na may sleeve pero may gayat gayat naman pati sa likod na may katernong mini skirt. Hayss.. Anlandi talaga magdamit nitong babaing to. Kung minsan nga inaasar ko siya na magtwo piece na lang siya kasi daig pa niya ang wala ng saplot sa katawan sa ikli ng nga sinusuot. Akala mo naman pinagpilitang isuot yong damit ng baby pa niyang kapatid. aba'y pabawas ng pabawas yata ang tela ng mga gusto niyang damit a.
Pero dahil nga daw sa "That's what they call fashion" na gasgas niya ng linya e wala naman ako palaging nagagawa kundi pabayaan na lang ang gusto niya. nakakahiya nga naman na minsan kung palagi na lang na yong gusto ko ang masusunod. Paano na lang din ang gusto niya? Di ko na nga siya napagbibigyan na isuot ang mga gusto niya para sakin e pipigilan ko pa ba naman sa mga nais niya?
Dapat ang friendship parang sa pagtuturo lang din yan. Give and take process. (^v^)
Pagkauwi namin sa bahay nagbihis na agad kami. Magseseven na kasi e 9:00 mag-istart yong battle. Tsaka byabyahe pa kami at antagal pa naman magbihis nitong kasama ko. Since ihahatid naman kami ng driver namin dito ko na pinagbihis sa bahay tong bruhildang to nang mapabilis ang pagbibihis niya. Andami dami pa kasing kung anu anong nilalagay sa mukha niya. Samantalang ako pulbo lang at lipgloss ayos na.
*knock!* *knock!*
"Pasok!"
*door opens*
"Iha, talaga bang hindi na kayo magdidinner muna bago umalis?" si mommy
"Huwag na po mommy baka late na kami masyado ni Cass. Nakapagmeryenda naman na pi kami kanina sa mall."tanggi ko
"Hay naku! O siya sige basta pag nagutom kayo bumili kayo ng makakain niyo huh.? Huwag magpapagutom!" Bilin na lang ni mommy
"Yes po!." Sagot ko
"Say goodluck to your sister hindi na kasi kami nakapagpang-abot nong dumating ako. Ivideo mo nalang performance nila para mapanuod ko" bilin pa nito.
"Yes po!" Sagot ko ulit kasi baka uulitin na naman niya yong sinabi niya at aakalaing hindi ko narinig. kulit pa naman ni mommy minsan.
"Before you leave daanan niyo kami ng daddy mo sa study room ok?" Aish! Hindi nauubusan si mommy ng bilin kung minsan e.
"Yes po" sagot ko pa din.
8:20 na nong matapos makapagbihis si Cass. Samantalang ako malapit ng antokin sa tagal nitong magbihis. Sana lang hindi kami malate? Sana rin walang traffic.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a Music Lover
Genç KurguMeisha Audrey Griffin loves music. She was a BEED student and it wasn't her choice but it was her parents. She lived in a perfect life which was her best friend Cassandra wishes to have. She idolizes her sister Meirizz who was a band vocalists and s...