IILWAML - Chapter 12

72 18 0
                                    

CHAPTER

<Cass’ POV>

Hay naku! Kung di ko lang bestfriend tong babaing ‘to hindi ko siya sasaluhan sa pagkain. Pareho talaga naming paborito ang tocino at sinabi niyang nagbaon siya natakam din ako kaya lang nahihiya ako sa mga makakakita like duh? College na kaya kami, hindi na kami mga bata para magbaon pa sa school tsaka naiisip ko kasi ‘yong sinabi ni yaya Auring na tumataba daw ako. Ayokong tumaba, pa’no pa ako mapapansin ni John ‘pag tumaba na  ako?

Kaya kahit labag sa kalooban ko sinaluhan ko pa rin si Meish sa pagkain ng dala niyang baon. Buti na lang wala sa paligid si John e.

Minsan nga di na ako nakakapagconcentrate sa klase kasi mas gusto ko siyang titigan. Hay buti na lang magkatabi kami ng upuan. >__<

 Konti lang ang kinuha kong pagkain baka kasi tumaba ako. Buti na lang hindi napansin ni Meish kaya kwento ako ng kwento sa kanya para hindi siya makahalata. Buti na lang din magana siyang kumain at abalang abala sa pagsubo kaya di niya nahalatang nilalagay ko sa isang plastic yong ibang kanin. Huhu! Patawad bessy, baka kasi masira figure ko e. T___T

Sana kasi katulad ako ni Meisha na kahit anong takaw niyang kumain hindi pa rin siya tumataba. Panigurado pagkatapos niyan kumain bibili pa ‘yan ng ibang pagkain. Gustong-gusto na kasi niyan tumaba kaya lang hindi naman tumataba.

At wala pang ilang minute e naubos na niya ‘yong kinakain niya. Andami nga niyang binaon tsaka anlaki pa ng baonan na ginamit niya. Ansiba talaga ng babaing to. Akala mo lalaki kung kumain.

”Bessy, diyan ka lang muna ha? Kain ka lang ng kain.” Paalam niya at tumayo na.

“O sige bessy.” Sagot ko naman syempre pagkakataon ko na to para ilagay sa plastic ‘yong natitira ko pang pagkain sa plato. Nanghihinayang ako kaya lang kelangan ko naming gawin ‘to para sa sarili ko. Iuuwi ko na lang para ipakain kay Chimmy, yong alaga kong poodle sa bahay.

“Bessy o, share tayo nitong leche flan at siomai.” Nilapag ni Meisha ang tray ng order niyang pagkain sa table namin. Sabi na nga ba’t bibili pa ‘to ng pagkain e.

“Ahm, sige lang bessy sobrang busog na busog na’ko e. grabe dami kong nakain.” Palusot ko sabay dighay ng peke at himas sa tiyan ko.

“Huh? E angdami nito bessy talagang para sating dalawa ‘to.” Grabe talaga ang bestfriend ko hindi nalilimutang kumain ng siomai sa loob ng isang araw. Kahit nga namamasyal kami niyan puro siomai pa rin ang binibili at kinakain.

“Sa’yo na lang bessy talagang busog na busog na ako malapit na nga rin matanggal ‘yong butones ng palda ko e. kung bakit ba kasi hinatian mo pa ko sa baon mo ‘yan tuloy bitin na para sa’yo.”

I'm In Love With a Music LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon