Dalawang pares ng mga kamay,
Isang pares nalang ang kumakapit.
Dalawang buhay,
Isa nalang ang lumalapit.
Ako na lang.
Ako nalang ang masaya sa tuwing tayo'y magkasama
Pakikitungo mo'y nag-iba na
Hindi na ako ang dahilan ng 'yong ngiti at tawa
Saki'y di ka na masaya
Kaya't kahit gusto ko pang kumapit,
Sarili ko'y di na ipipilit.
Bibitawan na ang iyong kamay
Lilisanin na ang 'yong buhay
Hahayaan kang libutin ang mundo
Na di na ako ang kasama mo
Mahal kita pero pinapalaya kita
Doon ka sa kung saan ka masaya
Subalit kapag isip mo'y biglang nagbago,
Nandito lang ako, naghihintay sa pagbabalik mo.
Gusto man sabihin na ako nalang,
Bibig ay ititikom na lamang.
Sa iyong paglisan, ipagpapatuloy ang buhay
Kakamtan ang pangarap nating dalawa
Kahit di na hawak ang iyong kamay
Dahil mahal parin kita.
Kaya't kapag nalibot mo na ang mundo at nagawa lahat ng 'yong gusto,
At naramdaman mong mahal mo parin ako,
Nandito lang ako, naghihintay sa'yo.
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa'yo
Thơ caIto'y para sa lahat ng mga taong nais magbasa ng mga Filipinong tula.