Kung hindi rin naman para sa isa't isa,
Bakit pinagtagpo pa?
Sana'y di nalang nagtagpo ang mga landas
At sabay na tinahak ang daan
Patungo sa pinangako nating kaligayahan
Kung sa dulo ay maiiwan din naman.Bakit kinailangang makita ang iyong mga ngiti,
Ngayon ito'y hindi na maalis sa aking isipan
Bakit kinailangang maramdan ang dampi ng iyong labi,
Ngayon ika'y di ko na malimutan.Kahit ika'y ala-ala na lamang,
Hindi parin kita magawang bitawan.Kung muli mang magtagpo ang ating landas,
Kamay mo'y hindi na hahawakan,
Ngiti mo'y hindi na pagbibigyang-pansin,
Puso'y di na hahayaang iyong basagin.
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa'yo
PoezieIto'y para sa lahat ng mga taong nais magbasa ng mga Filipinong tula.