Takipsilim

3 0 0
                                    

Matamis na ngiti,
Mapupungay na mga mata,
Naisin mang manatili,
Kailangang nang makalaya

Habang ang ulo mo'y nasa balikat ko,
Dinig ko ang bawat hikbi mo,
Walang nagsasalita,
Dama lang natin ang presensya nating dalawa

Palapit na ang takipsilim,
Unti-unti nang nagdidilim
Hawak parin kita
Kahit alam kong wala ka na

Kasama ng huling sinag ng araw,
Ika'y di ko na tanaw
Subalit ako'y naghihintay na sisinag itong muli,
Ako'y nagbabakasakali

Na kasabay ng pagsinag ng araw sa silangan,
Ika'y muli kong maramdaman,
Maghihintay ako sa pagbabalik mo,
Mahal ko

Siguro'y hindi dito,
Hindi ngayon,
Basta't alam ko,
Muli tayong magtatagpo...

Tula Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon