Payong

3 0 0
                                        

Siguro'y hindi ikaw ang tahanan
At ako'y isang manlalakbay
Na minsan lamang nakisilingong sa iyong lilim
Na hindi nakalaan para sa akin

Siguro kinailangan lamang kitang madaanan
Upang aking maintindihan
Na hindi lahat ng aking magustuhan
Ay sa akin nakalaan

Siguro kinailangan kong mapadpad sa iyong silong
Upang aking maramdaman at maranasan
Na kailangan kong magdala ng sarili kong payong
Para pagdating ng ulan, hindi ko na kailangang makisilong

Tula Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon