Hantungan

5 0 0
                                    

Siguro'y ang masakit ay ang emosyonal na pang-iiwan,
Iyong nakikita mo naman,
Nakakausap at nakakasalamuha
Subali't randam mo ang iyong pangungulila

Iyong tipong kasama mo naman,
Pero di mo na nararamdaman,
Wala na ang kislap sa kanyang mga mata,
Naghihintay na lamang na siya'y iyong mapalaya

Iyong nananatili na lamang dahil hindi mo magawang bitawan
And lubid na s'yang pumigil sa kanyang paglisan
Iyong maari mong makita't mahawakan
Subalit ika'y hindi na n'ya kailangan

Lubos na masakit ang nang-iiwan subalit hindi bumibitaw
Iyong parang wala na sayo kahit pa iyo paring natatanaw
At alam mong s'yay naghihintay na lamang na iyong pakawalan
At alam mo rin na hindi ikaw ang kanyang hantungan

Siguro'y mas nanaisin ko pa
Ang makita ang bawat apak ng iyong mga paa
Papalayo sa akin
Kaysa makita ang pagpatak ng 'yong luha Pabalik sa akin

Ang mabuti pa'y iwan mo na lamang at huwag ka nang magpakita pa,
Dahil sa ganoong paraan,
Hindi ko makita ang pangungulila sa'yong mga mata
Na kailanman ay hindi ko mapupunan
Dahil hindi ako ang iyong hantungan.

Tula Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon