Buwan, Araw, at Ulan

1 0 0
                                    

Mapanlinlang ang buwan.

Sa gabi'y pinaparamdam sa'yong lagi itong nandiyan
Habang sambit mo ang iyong nararamdaman
Subalit pagdating ng umaga, 
Ito'y lumisan na.

Mapanakit and araw.

Sasampalin ka nito sa katotohanan 
Na kahit ang pag-ibig na kasing-init ng sikat nito,
Ay mayroong hangganan 
Kahit basagin mo pa ang puso mo.

Mapagbiro and ulan.

Bawat patak, ramdam mo ang ginhawa
Subalit kalaunan, habang nakahiga ka sa kama,
Unti-unti nitong ipaalala 
Ang nakaraang nais mong malimot na...

Tula Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon