Paksa at Melodiya

6 0 0
                                    

Hindi ba't doon naman talaga nagsisimula?
Ikaw ang magiging paksa ng bawat tula
At ang bawat kuskos ng iyong gitara,
Nakalaan sa akin melodiya

Subalit sa pagdaan ng mga araw,
Kamay mo'y hindi na makasabay
Sa bawat indayog ng musika
Na dati ay kaya mong tugtugin kahit nakapikit pa ang iyong mga mata

At ang aking mga tula
Ay pa-iba-iba na ng paksa,
At nauubos na ang tinta,
Kasabay ng aking mga luha

Siguro'y ito na ang huli
Hindi na ako ang iyong naaalala
Sa iyong musika
At hindi na ikaw ang dahilan kung bakit ako sumusulat.

Nagwakas na ang awit,
Napigtas na ang kuwerdas ng iyong gitara,
Napunit na ang liham na may lamang tula
At nadurog na rin ang ating mga puso nating dalawa

Tula Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon